"Bakit ba ayaw mo siyang pakasalan? Patay na patay ka nga do'n eh." Dinig kong tanong ni Mae. Kinausap ko siya na kausapin si Rose dahil sumasakit na talaga ang ulo ko dahil ayaw pumayag sa kasal. Hindi na lang din kumontra pa ang mga magulang namin kahapon dahil baka ma-stress daw siya. Masama daw ma-stress ang buntis. Nakaka-stress bang magpakasal sa akin? I thought, she loves me? Why the change of heart? May iba na ba siyang nagugustuhan? Ang doktor ba na 'yon? O si Kristoff? f**k! I'm going crazy! "Hindi mo na ba siya mahal?" tanong ni Mae. Natatakot ako sa maari niyang isagot. Hindi na nga ba? Kasi pag-alis ng mga magulang namin kahapon nagsimula din siyang magsungit. Lahat na yata inutos din niya sa akin. Magpalit ng bedsheet. Kahit malinis naman ang sahig, pina-vacuum