Nagising ako bandang alas-nuebe ng umaga dahil sa sakit ng aking ulo. Bahagya kong kinalat ang tingin ko at napagpasiyahang bumangon na. Nauuhaw ako kaya naman agad akong nagpunta ng kitchen. Tahimik ang kitchen, naagaw ng pansin ko ang nakatakip na pagkain sa mesa. Napabuntong hininga ako. Pinaghanda pa talaga niya ako ng pagkain kahit gano'n ang nangyari. Luminga-linga ako at hinanap siya. Hindi ko pa siya handang kausapin pero gusto ko lang siyang makita. Alam kong may mga pasa siya sa katawan ngayon dahil sa nagawa ko. Pinairal ko na naman ang galit ko at nasaktan ko siya. Hindi ako dapat umuwi ng lasing. Pabalya akong naupo sa couch, tumingala ako at napapaisip. Tatayo na sana ako para pumasok ulit sa kuwarto ng mapansin ko ang notebook ni Rose na nasa center table. Nailin