Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko hanggang sa natapos kong basahin ang sulat niya. Napagod na ba siya talaga sa akin? Napasigaw ako sa labis na prustrasyon. Sa huli, pinatunayan pa din niya kung gaano niya ako kamahal. Wala akong mababasa na galit o panunumbat sa sulat niya. Lahat binigay niya. Pero ako, ano ang binigay ko sa kaniya? Hindi puwedeng wala akong gawin. Bumalik ako sa kuwarto para kunin ang susi ng aking kotse. Tinatawagan ko siya pero mukhang patay ang celphone niya. Wala siyang kinuha sa mga gamit, nandito pa ang lahat ng damit niya. Saan kaya nagpunta 'yon? Alam kong hindi siya uuwi ng Bulacan dahil sa pasa niya. Pagtatakpan niya ako sa mga magulang niya. Tiyak 'yon. Bumaba ako sa receptionist at tinanong kung saang unit nakatira iyong Julie. Iyon lang ang ala