Alas-otso pa lang ng gabi kaya naman napagpasiyahan kong tumambay muna sa living room para magpaantok. Maganda kasi ang view dahil sa malaking glass wall na halos kita ang mga nagtatayugan pang mga buildings sa buong siyudad. Pati ang mga city lights ay maganda ding tignan. Nilabas ko ang notebook at binasa ang mga nilista ni Mae. Parang wala na ako sa mood kaya naman iyong pagkain na muna ng saging ang gagawin ko. Sakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto ni Ethan. Bitbit niya ang kaniyang laptop umupo siya sa couch. Hindi niya ako pinansin, seryoso siyang nakatutok sa kaniyang laptop. Sinimulan ko na ding balatan ang saging ng dahan-dahan. Sa convenience store ko ito binili eh. Mas malaki daw kasi mas maganda sabi ni Mae. Mali, hindi yata maganda ang sinabi niya. Parang mas m