"Who told you that? Si Mae na naman ba?" tanong niya. Umiling ako, hindi ko na lang sasabihin mukhang galit na naman siya. "Naisip ko lang. Hindi mo naman kasi sinagot noong tinanong kita." Umiling siya. Naglakad papunta ng refrigerator at kumuha ng bottled water. "Sa gripo ka na naman uminom?" tanong niya. Tinitignan niya ang loob ng refrigerator. Marahil napansin na hindi nabawasan kaya nagtanong. "Oo." "Sa bottled water ka na muna uminom ng tubig. Magpapalagay ako ng water dispenser bukas," aniya. Tumango ako at nag-thank you. "I went to my mom's house, I stayed there for two nights," kuwento niya. "Sus, nahiya pa. Deny pa more," bulong ko. "I'm telling the truth," aniya sa naiinis na tono. "Oo na, kunwari naniniwala na ako na hindi ka nakipag- Masama na ang tingin niy