"Naku, buti at hindi ka pinalayas?" Tawa ng tawa si Mae habang kinukuwento ko sa kaniya ang mga nangyari. Tinanong ko kasi kung may mali ba sa mga sinabi ko kay Ethan dahil mukhang nagalit siya. "Hindi naman niya ako pinalayas. Mula ng umalis siya noong sabado ng gabi hindi pa din siya bumabalik ngayon," wika ko. Kumakain kami dito sa isang fastfood. Madami daw binigay na pera iyong foreigner niyang boyfriend kaya naman libre na niya. Kababata ko si Mae, hindi ko nga lang siya naging ka-close masyado noon. Third year high school din kasi ng namatay ang tatay niya at lumipat sila dito sa Manila. Nagtatrabaho siya sa bar pero hindi naman siya gaya ng iba na nakikita sa mga pelikula na o.a kung makapag-describe. Brutal lang din talaga siya magsalita at ayos lang sa akin. Kahit madal