Chapter 46

1016 Words

"Alam mo ba, sa sobrang saya ni Wil ng malaman na buntis ako, binigyan ako ng fifty thousand. Sinabing mag-shopping daw ako at huwag magpaka-stress," masiglang kuwento ni Mae sa akin. Dito kami nagkita sa korean restaurant dito sa mall. Kakain muna kami bago mag-ikot sa department store. Halos wala pa akong kain mula noong gabi na umalis si Ethan. Nakakaramdam na ako ng panghihina, wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko ay wala akong panlasa. Mabuti at nalulunok ko itong beef samgyupsal ngayon na kinakain namin ni Mae. "Hay, naku. Hindi ka man lang masaya para sa akin," reklamo niya sa akin. Ngumiti ako pero umiling lang siya sabay paikot ng mata. "Masaya ako, dapat nga hindi shopping ang pinupuntahan mo. Dapat sa doctor para makapag-pa-check up ka." Nagsubo siya ng pagkain bago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD