"Ano'ng gagamitin ko?" Sinimangutan ko si Ethan. Kinuha na naman niya ang celphone ko dahil may nabasa siyang message galing kay Kristoff. Feeling ko tuloy nagseselos siya kaya ganiyan siya umasta. Hindi ko din alam kung paano nakuha ni Kristoff ang numero ko. Lagi niya akong tine-text at minsan tumatawag pa. "Palit tayo, use my phone," aniya sabay abot ng celphone niya sa akin. Kinilig naman ako, feeling ko tuloy may relasyon na kami. Iyon nga lang wala naman siyang sinasabi. Tatlong buwan na ako dito kay Ethan. Sabi ni Mae, tanungin ko daw siya kung ano ba ang status namin. Dahil kung tinuloy-tuloy ko ang paglista sa notebook ay matagal na sana akong bayad. Hindi na kasi namin ito napag-usapan. Pinakahihintay ko din naman na sabihin sa akin ni Ethan iyon pero wala eh. H