Chapter 10

1008 Words

Ang silid na binigay ni Ethan sa akin ay ang silid na tinulugan ko kahapon. Hindi pa din napalitan ang kulay krema na bedsheet at kumot na terno sa kulay ng kurtina. Nakita ko ang mga gamit ko na nasa tabi ng kama. Nagpasya na muna akong maligo bago matulog, bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko sa cabinet. Sobrang pagod ko din ng mga nagdaang mga araw dahil sa kakaisip kung saan hahagilap ng limandaang libo. Ngayon puwede na akong matulog ng mahimbing. Hindi ko na muna iisipin na ang limandaang libo na ngayon ay doble kong babayaran kay Ethan. Magkano ba ang sahod ng katulong at isang assistant sa isang buwan? Magkano din ba ang bayad ni Ethan sa babae sa isang gabi? Nailing-iling ako. Hindi man ako komportable na itanong kay Ethan pero kailangan kong malaman. Total, bayara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD