Chapter 6

1052 Words

Lumong-lumo ako habang bumibiyahe pabalik sa Bulacan. Hindi ko kayang isipin na hanggang doon na lang ang kaya kong gawin para maisalba ang bahay namin. Pero wala naman akong ibang paraan para makakuha ng ganoong kalaking halaga. Pag-uusapan na lang namin nina tatay at nanay mamaya ang unti-unti naming paghakot ng gamit. Bukas papahanapin ko sila ng mauupahan. May dulot din naman na maganda ang nangyari. Nasalba ko ang sarili ko sa kapahamakan at kahihiyan. Dahil kung nagkataon baka pati sa akin ay galit na galit na din si Ethan. Alas-dose na ng makarating ako sa amin, nadatnan ko si tatay at nanay na sinisimulan ng ligpitin ang mga ilang gamit namin. Nilalagay nila sa mga karton. Tahimik akong lumapit sa kanila at nagmano. Mukhang maging sila ay sumuko na. Napaka-imposible din na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD