"Stop the demolition!" Maawtoridad siyang naglakad palapit sa amin habang ang mga bodyguard niya ay naglakad sunod sa kaniya. May isang lalake din siyang kasama na may bitbit na attache case. Gulat at natulala ako ng ilang minuto at namalayan ko na lang ng bahagyang dumikit ang kaniyang braso sa aking braso. Doon lamang ako nabalik sa wisyo. Bago ko pa matanong kung ano ang ginagawa niya dito ay nauna na si Mr. Choi na magtanong. "Sino ikaw?" tanong niya kay Ethan. "Magkano ba ang kailangan nilang bayaran sa'yo?" tanong ni Ethan na nakapagpagulat sa akin. Maging si Mr. Choi ay nagulat din. Sina nanay ay lumapit sa akin ng marinig nila ang sinabi ni Ethan. May pagtataka silang tumingin kay Ethan, pagkatapos ay sa akin. Maging ako ay nagtataka din. "Ikaw ba kaya bigay kalaha