Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ng bodyguard. Dalawa ang sasakyan na dala ni Ethan. Ang isa ay ang sinakyan namin, kasama ang driver at isang bodyguard. Ang isang sasakyan naman ang sinakyan ng ibang mga bodyguard. Nakita ko sa labas ng bahay ang mga magulang ko na may mga ngiti sa mga labi na kumakaway sa amin kahit tinted naman ang sasakyan. Nakaramdam ako ng lungkot pero masaya na din na hindi nawala ang bahay na pinaghirapan nila. Pero ano ang kapalit ng lahat ng ito? Pagkaupo ng sasakyan ay agad nilabas ni Ethan ang celphone niya at may mga tinatawagan. Pawang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila. Buong biyahe ay hawak niya ang kaniyang celphone kaya naman hindi ko matanong sa kaniya ang bumabagabag sa isip ko. Nakatanaw lang ako sa mga nadadaanan na tanawin at