GANOON na lamang ang ngiti ni Mauve kung paano niya nakita si Phoenix na magkandarapa paalis matapos nitong masaksihan ang pagpapakilala ni Mr. Navarro sa nag-iisa nitong anak na si Sitti. Tuwang-tuwa si Mauve sa naging reaksyon ng lalaki. Halos mawalan ng dugo ang mukha nito sa pagkabigla. It was so satisfying to see. Nais niyang humagalpak ng tawa ngunit hindi ginawa dahil maraming tao ang nakapaligid sa kanila. “That was so funny,” bulong niya at sinipsip ang straw ng orange juice na nasa kaniyang harapan. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ Napailing si Eros. Ngayon pa lang ay ramdam na nito ang kahihiyang mayroon si Phoenix sa dibdib nito, lalo na at si Eros pa naman ang nakarinig ng mga masasakit na sinabi ng kaibigan patungkol kay Sitti noon. Malinaw na malinaw pa iyon sa isip ni Eros, kung papaano minalii