TALAGANG nagulat si Eros nang makita niyang kasama na ni Mauve si Sitti nang lumabas ito ng palikuran. Kanina ay balak niya nang pumasok sa loob upang tignan ang ginagawa ng asawa dahil masiyado na itong matagal sa loob, samantalang ang mga kasabayan nitong pumasok ay kanina pa nakaalis. Bahagya na ring nangalay ang binti niya sa paghihintay rito. Maigi na lamang at hindi niya itinuloy ang binabalak, maya-maya lamang ay lumabas na si Mauve ngunit kasama na nito ang kaibigan na kanina pa hinahanap. “It’s nice to see you again, Sitti,” wika niya at ngumiti sa babae. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ “Same with you, Eros.” Ginantihan siya ng ngiti ni Sitti. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ Bukod sa nasurpresa siyang kasama na ito ni Mauve sa paglabas ng palikuran ay mas nasurpresa siya sa hitsura nito ngayon. Malayong-malayo sa pagkak