NAPAHINTO sila sa mainit na eksena nang tumunog ang doorbell ng tinutuluyan nilang silid. Paniguradong ang kanilang pagkain iyon. Tumayo si Eros na nagdadalawang isip pa. “Asshole,” bulong niya na ikinatawa ni Mauve. Naghatak siya ng roba na nakarolyo sa isang rack sa ibabaw at sinuot iyon. Bago tuluyang lumabas ng bathroom ay nagnakaw muna siya ng halik sa asawa. “I’ll be back. Rawr!” He winked at her and left. Pinagbuksan niya ng pintuan ang delivery boy. The man was wearing a surgery face mask and a reading glass. Protocol ito sa hotel. Halos lahat yata ng nakikita nilang staff ng hotel ay nakasuot nito kasama ng kanilang uniform. Ipinasok ang kanilang mga in-order na pagkain hanggang sa gitna nang hindi siya tinatanong. Humarap ang lalaki upang iabot sa kaniya ang resibo. “Thanks?”