“MR. CO!!” Malakas na kinalampag ni Eros ang pintuan ng silid. “Fvck you!!” Aligaga siyang tumingin sa paligid. Nakita ang bintana. Tinakbo niya ito at sinubukang buksan ngunit walang paraan upang mabuksan ito. Bukod sa naka-welding ang pagitan ng dalawang bintana na magkadikit, mayroon pa itong mga bakal na nakaharang sa labas. “Dammit!!” Kailangan niyang makaalis sa silid na ito bago tuluyang may magawang masama si Estefan sa kaniyang asawa. Narinig niya ang tunog ng sasakyan na papaalis. Tuluyan siyang iniwan ni Mr. Co nang nakakulong. Hindi niya mapapatawad ang ginoo sa ginawa nitong kalokohan! Naikuyom niya ang kamao. Kumuha ng kahit na anong matigas na bagay na pupwedeng ipalo sa doorknob o sa pintuan upang mabuksan ito. He found an armchair. Ginamit niya ito at paulit-ulit na inih