TINAWAGAN ni Mauve si Yuri upang papuntahin sa kanilang bahay ngunit tumanggi ito. Ayon kay Yuri ay mayroon itong importanteng pupuntahan ngayong araw. Hindi naman na kinulit pa ni Mauve ang kaibigan, ngunit hindi siya mapakali. Mayroong mali. “Eros, puwede bang samahan mo ‘ko?” Talagang hindi siya mapakali habang nasa harap sila ng hapag-kainan. “Saan?” Nagtataka si Eros. “Is this about Yuri?” Tumango siya. “I’m worried. Kahit papaano ay concern ako kay Yuri. Hindi naman ako makaalis dahil alam kong may banta pa sa buhay ko. Alam ko ring magagalit ka kung mag-isa ako, kaya please... baka puwedeng samahan mo ‘ko ngayong araw?” “Of course, walang problema. I will cancel my appointment today—” “Teka—‘wag na lang kaya? Importante yata ang lakad mo ngayon.” “Mas importante ka, Mauve.