“At least it works?” inulit ni Mauve ang sinabi ni Neve habang patuloy siyang naluluha. Talagang naninikip ang kaniyang dibdib nang dahil sa kaniyang natuklasan. “And what if hindi? Paano kung hindi, Neve? Paano kung hindi gumana ang mga pagmamanipula na ginawa n’yo sa buhay naming ni Eros? Anong gagawin naming? Habang buhay naming dadalhin ang sumpa na ang mismong mga magulang natin ang may gawa.” Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi niya kayang tanggapin na nagawa ang lahat ng iyon ng kanilang mga magulang. Pinipilit niyang maging positibo dahil mayroon namang magandang resulta ang manipulation ng mga magulang, ngunit hindi niya magawa. “Mauve, you need to rest.” Niyakap siya ni Eros at hindi na hinayaan pang manatili sila sa silid kung nasaan si Neve. Dinala siya ng asawa pabalik sa k