“MALAYO-LAYO na tayo sa siyudad,” wika ni Mauve habang pinagmamasdan niya ang kanilang paligid. Purong puno na ang kaniyang mga nakikita at mga simpleng kabahayang gawa sa kahoy. Tirik man ang araw ay hindi masiyadong mainit sa paligid dahil sa naglalakihang mga puno. Napakahabang oras din ng kanilang binyahe. Halos isa at kalahating araw din iyon. Matapos nilang tumuloy sa isang motel ay nagpatuloy sila sa byahe hanggang sa makarating kung saan. “Yeah, let’s go.” Bumaba si Eros ng sasakyan at binuksan ang pintuan sa backseat upang kunin ang kanilang mga gamit. Kaagad din namang bumaba si Mauve ng sasakyan at pinagmasdan ang asawa. “Saan tayo ngayon nito?” Nakararamdam siya ng kaunting kaba dahil bago ang lugar na kanilang tatahakin, ngunit batid niyang kasama ang asawa kaya naman kahi