HINDI NA sumagot pa si Eros at kaagad nang hinatak si Mauve papalapit dito. Mabilis na bumaba ang mga labi ng lalaki at mapusok na inangkin ang mga labi niya. Walang patumpik-tumpik pa! Kanina pa talaga ito nagtitimpi na mayakap siya at mahalikan ulit. Hinintay lamang ni Eros na makauwi sila ng bahay at tuluyan siyang masolo. Maayos na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa, maybe this is the best time to have some quality time together again. Ito rin siguro ang tamang pagkakataon upang makapag-isa silang muli. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ Tinugunan niya ang mainit na halik na iginagawad nito sa kaniya. Kaya nga lamang ay masiyado iyong mapusok at hindi siya nakahahabol. Tila ito isang mabangis na hayop na nakahanap ng pagkain at hindi na makapaghintay na kainin. Inihiga siya nito sa kama habang