GANOON NA lamang ang gulat ni Mauve sa narinig. Totoo ba ang mga iyon? Nais niyang i-backward ang mga nangyari upang masiguro kung tama nga ba ang kaniyang mga narinig. Hindi kasi siya makapaniwala at tila ata nabingi siya nang bahagya. Sinabi ba nitong mahal niya ang lalaki at mahal siya nito? Dahil kung ganoon, hindi na dapat pinapatagal pa ang mga bagay-bagay. Wala naman palang dahilan para makipaghiwalay siya, at sabihin ang mga katagang ANNULMENT! Pero hindi siya kaagad ganoon kadali magpapadala sa lalaki, dahil paano kung pinagtitripan lamang siya nito? Hindi iyon pupwede. “What did you just say?” tanong niya habang kunot ang noo. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤ Napalunok ng sariling laway si Eros habang titig na titig sa kaniya. Hindi ito kaagad nakapagsalita. Ibig ba nitong sabihin ay hindi totoo ang