Chapter 54: Confession

3337 Words

KINABUKASAN ay nagising na lamang si Eros nang makarinig siya ng kung anong ingay na nanggagaling sa kanilang silid. Pagmulat niya ng mga mata ay natanaw niya si Mauve na isa-isang pinupulot sa sahig ang mga nahulog na hanger. Babangon sana siya upang tulungan ito ngunit patapos na ang babae kaya naman hindi niya na itinuloy. Nang mapatingin sa gawi niya si Mauve ay mabilis niyang ipinikit ang mga mata at nagpanggap na nananatiling tulog. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Hindi naman nakahalata ang babae. Lumabas ng silid bitbit ang isang tuwalya at pumasok sa loob ng bathroom. Maaga itong nag-asikaso at hindi siya balak gisingin. Papasok ito nang mag-isa sa trabaho. Masama pa rin ang loob ni Mauve sa kaniya, kahit na hindi nito sabihin nang diretso. Ipinararamdam naman kasi nito iyon sa kaniya. ㅤ ㅤ

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD