HINDI MAALIS sa isip ni Eros ang tungkol sa pagpapadala ng bulaklak ng kung sino kay Mauve. Hindi niya alam kung bakit, ngunit hindi siya mapakali. Napag-usapan naman nila ni Mauve noon na walang pa ring pakialamanan kahit na ikasal sila, subalit hindi niya ito magawa ngayon. Hindi siya mapapakali hanggat hindi nakikilala ang taong iyon. Mauve is his! Siguro kaya siya nagkakaganito dahil ayaw niyang masira ang kaniyang pangalan lalo na kung malalaman ng iba na mayroong ibang lalaki ang nagpapadala ng bulaklak sa kaniyang asawa. Hindi na iyon magandang tignan, lalo na at kasal na si Mauve. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Sa oras na makilala niya ang taong iyon ay talagang hindi niya alam kung ano ang magagawa. Hanggang ngayon ay hindi iyon maalis sa isip niya. Hindi niya rin naman makompronta si Mauv