LABIS NA nagtataka si Mauve nang hindi niya mahanap si Eros sa loob ng kanilang bahay. Kahit saan siya tumingin ay wala ito. “Nasaan naman kaya ‘yon?” tanong niya sa sarili. Hindi talaga marunong nagpaalam ang lalaking iyon. Naiinis nanaman siya. Kahit kailan talaga ay ganoon na nag ugali ng lalaki. Walang pagbabago kahit na kaunti. Malalim ang kaniyang naging buntong hininga at naupo siya sa sofa, doon ay nakita niya ang isang kahon na animo ay ibinalibag lamang ng kung sino. Kinuha niya ito at tinignan. ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤ Hindi na siya nabigla pa nang makitang para ito sa kaniya. Kahapon pa niya inaasahan ang parcel na ito. In-order niya ito sa isang shopping apps online at balak niya itong ibigay kay Eros upang makabawi sa lalaki. Napangiti siya. “Siguro naman matutuwa siya rito.” Bi