Chapter 5
"Yaya! Huwag kana maligo! Magagalit pa yun si Ser Noah sayo eh--"
"Hindi yan! Mabait yun!" Sagot niya sa kasamahan niya ng pigilan siya nito sa paglabas ng pinto
"Mabait nga. Pero sige ka baka pagtapos mong maligo hindi na yun mag utos sayo dahil natapos na rin niyang linisin ang kotse niya. At isa pa hindi ka naman niya inayang mag date bakit ka pa maliligo?"
Nagtawanan ang mga kasamahan niya sa loob ng kusina. May punto ito. Kung maliligo pa siya baka mag hintay ng matagal ang amo niya at baka magalit pa ito sakanya.
Pasimple niyang inamoy ang kanyang sarili. Hindi pa naman siya amoy pawis dahil kaunti palang ang nalilinis niya sa kwarto ni Ma'am Michelle kaninang umaga.
"Osige na nga! Sige pupuntahan ko na si Ser. Pero may lipstick ka ba diyan?" Bulong niya kay Minda ang katulong na pumigil sakanya. Kaunti lang ang agwat ng kanilang edad.
"Wala eh. Suskopo maglilinis ka lang ng kotse neng hindi date yun"
Sinenyasan niya ito na huwag lakasan ang boses dahil baka pagtawanan nanaman siya. Alam kasi ng mga kasamahan nila na crush na crush niya si Ser Noah.
"Oo na. Sige na nga pupuntahan ko na si Ser"
Nagmadali na siyang pumunta sa parking lot ng mansiyon. Medyo malayo pa ang lalakarin niya dahil sa likod iyon ng mansiyon.
Halos lakad takbo ang kanyang ginagawa habang pasimple niyang sinusuklay ng kanyang kamay ang mahabang buhok niya na lagpas ng kanyang balikat.
Simpleng babae lang naman siya ngunit alam niyang maganda naman siya kahit papaano. Marami ng beses siyang napupuri dahil sa natural at simpleng kagandahang taglay niya. Kahit mahirap lamang sila ay sadyang makinis at pino ang kanyang kutis. Hindi siya tinitigyawat sa kanyang mukha kahit pa nagkakaroon siya ng buwanang dalaw
Natural rin na mahaba ang pilik mata niya. Kung ang katawan naman niya ang pag uusapan ay hindi naman papahuli ang kurba ng kanyang bewang sa mga sexing babae. Dahil may hubog na ang kanyang katawan simula ng magdalagita siya. Maumbok ang kanyang s**o kahit hindi gaano kalaki. Bilog na bilog naman iyon at hindi flat.
Kaya kahit papaano malakas rin ang self confidence niya pagdating sa physical appearances niya kaht hindi pa siya nakakaligo sa araw na iyon nakapagsipilyo naman siya at hilamos kaninang umaga.
Nang makarating siya sa parking area kung saan natatanaw na niya si Noah. Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso.
Kinukuskos nito ng basahan na kulay asul ang SUV na sasakyan nito. Iyon rin ang puting sasakyan na sinakyan nila noon
"S-Ser pinapatawag niyo daw po ako?" Pag-agaw niya sa atensyon ng binata dahil busy ito sa pag sabon ng kotse nito
Saglit itong tumingin sakanya kaya naman napalunok siya. Hindi parin siya sanay na binibigyan siya nito ng tingin. Noon kasi kahit isang sulyap ay hindi nito maibigay sakanya. Para siyang hangin kung ituring nito noon
"Help me" Maiksing utos nito sakanya bago ito lumapit sakanya at i-abot ang isang maliit na timba na punong puno ng sabon at may isang towel rin doon na pang punas sa kotse nito
"O-Osige po Ser"
Pinipigilan niyang huwag manginig ang kanyang kamay dahil sa kabang nararamdaman niya. Sa tuwing malapit kasi ito sakanya ay nanginginig sa kaba ang kanyang katawan
Muli na itong bumalik sa pagsabon ng kotse nito. Kaya huminga siya ng malalim upang gayahin ang ginagawa ni Noah.
Tumabi siya sa tabi nito. Hindi niya mapigilan mapangiti ng kaunti dahil malaya niya itong napapagmasdan habang naglilinis sila ng kotse nito
"Sa kabila ka. Huwag mo akong titigan" Masungit na sita sakanya ni Noah kaya nag iwas agad siya ng tingin
"H-Hindi naman kita tinitignan Ser. Ginagaya ko lang po kasi ang ginagawa niyo" Palusot niya bago siya umikot sa kabilang bahagi ng kotse nito
Mukhang malinis naman ang kotse nito pero hindi na niya tinanong kung bakit pa nito hinuhugasan ang kotse kung malinis naman ito
Hindi na kumibo si Noah. Tahimik lang itong nag sasabon ng kotse nito.
Pasimple siyang sumusulyap kay Noah dahil napakagwapo talaga nito. Minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon na masulyapan ito ng ganito kaya susulitin na niya
Nag-iwas siya ng tingin dahil bigla itong tumingin sakanya. Naramdaman siguro nito ang pagtitig niya. Nagkunwari nalang siyang busy sa pagsasabon ng kotse nito
Pinipigilan niyang kiligin dahil nagkakatinginan sila habang nagsasabon ng kotse nito.
"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" Hindi matiis na tanong ni Noah sakanya. Napalunok agad siya dahil sa deretsahang tanong nito
"H-Ha? A-Anong tinitignan ng ganyan Ser?" Pagmamaang-maangan niya dahil bumilis ng husto ang pagtibok ng kanyang puso.
"Do you like me?" Kunot nuong tanong ni Noah sakanya
Nanlaki ang kanyang mata at nag-iwas agad siya ng tingin kay Noah.
Bakit naman deretsahan ito kung magtanong?! Natetense tuloy ang buong pagkatao niya! Halos mabulol rin siya sa pagtangi
"H-Ho?! N-Nako Naka-Nako hindi ho!" Todo iling siya dahil baka magalit si Noah kung aaminin niya ang kanyang nararamdaman
"Then why are you looking me that way?" Tanong parin ni Noah sakanya
"N-Nako ganito lang ho talaga ako tumingin kasi banlag ako. Akala mo siguro ikaw ang tinitignan ko. Katulad ngayon tignan mo ang mata ko oh. Nakatingin ako sayo diba? Pero ayun doon ako talaga nakatingin" Tinuro niya ang pinto sa likod ni Noah
Nais niyang batukan ang kanyang sarili dahil nagpangap pa siyang banlag at halos maduling duling ang kanyang mata sa kagagahan na kanyang pinag-gagawa
Hindi naman kumibo si Noah ngunit sa palagay niya hindi ito naniniwala sa sinasabi niya
"Yaya! Nandito ka lang pala beh! Where's my beef steak?" Tanong ni Michelle sakanya ng maabutan sila nitong naglilinis ng kotse
"N-Nako sorry po Ma'am Michelle hindi pa ako nakakaluto" Nakalimutan niya na gusto nga pala ni Michelle ng beef steak. Nawala sa isip niya dahil sa utos ni Noah
Tumingin si Michelle sakanya at pagkatapos kay Noah. Napataas ang kilay nito at napapangiti.
"Anyway bro bakit kayo naglilinis ng car mo? Ikaw ha?" Tukso ni Michelle sa kapatid nito
Hindi naman kumibo si Noah at binuksan lang nito ang host ng tubig para banlawan ang kotse
Namula ang kanyang pisngi dahil sa panunukso ni Michelle sakanilang dalawa ni Noah. Sinenyasan niya si Michelle na huwag silang tuksuhin dahil mahihiya na siya kay Noah kapag nagkataon
"Magluto kana yaya. Huwag mo ng tulungan tong si Noah. Gosh! Kayang kaya naman niya yan eh. I'm so hungry na yaya eh!" Hinawakan ni Michelle ang kanyang kamay upang hilahin siya palayo sa kotse ni Noah.
"S-Sige po. Pasensya na Ser Noah magluluto pa ho kasi ako"
Tumingin si Noah sakanya habang hilahila siya ni Michelle. Nagtagpo ang kanilang paningin. Tumango lang ito bilang pagpayag sa pag alis niya
Parang tumalon ang kanyang puso dahil nakatingin parin si Noah sakanya hangang sa makaliko na sila ni Michelle sa pasilyo
"Bilis yaya I'm so hungry na eh. Nakikipagligawan ka lang pala kay Noah ah?" Sinundot pa ni Michelle ang gilid ng kanyang bewang kaya nakiliti tuloy siya
"U-Uy hindi ho ma'am Mich. Nagpatulong lang po si Ser eh" Kinikilig rin tuloy siya dahil sa panunukso ni Michelle sakanya
"Gosh you're so manhid naman yaya? Anyway halika na ipagluto mo nako please. I'm super duper hungry na eh"
"Opo ma'am Mich. Bibilisan ko lang ang pagluto--"
"Yaya!"
Sabay silang napatingin kay Noah ng tawagin nito ang pangalan niya. Napahinto sila sa paglalakad ni Michelle.
"B-Bakit ho Ser?" Kinakabahang tanong niya
"Paki-luto rin ako"
Sabay nanlaki ang mata nilang dalawa ni Michelle dahil sa inutos ni Noah sakanya. Tumalikod na ito at bumalik sa pagcacar wash
Napalunok siya. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang mga inuutos ni Noah sakanya.
"Gosh yaya type ka ata ng kapatid ko ah?" Muli siyang sinundot sa gilid ng kanyang bewang ni Michelle kaya napangiti na siya ng husto
"Ma'am Mich naman eh! Nag uutos lang ho si Ser!"
Pangiti-ngiti naman si Michelle dahil pulang pula ang kanyang mga pisngi
"Okay okay. Halika na ipagluto mo na kami. Sigurado mas masarap na yang luto mo ngayon kasi gagalingan mo for Noah, right?" Tukso parin ni Michelle sakanya habang naglalakad sila papunta sa kusina
"You like my brother ah! I like you to be my sister someday yaya. Don't worry about your status in life, alam mo ba si Kuya Luke naging wife niya yung maid rin namin dati si ate Maria and eto pa si mommy Abby ko maid rin siya ni daddy ko dati. Ewan ko ba bakit ang gaganda niyo kasing mga maid na nag-aapply dito eh!"
Lalo naman siyang kinikilig sa kadaldalan ni Michelle. Alam na niya ang tungkol sa mga storyang iyon. Siyempre naikwento na sakanya noon ni Aling Fe. Sabi pa nga ni Aling Fe marami daw mga katulong sa mansyon ang umaasa na maging asawa si Noah balang araw.
"H-Hindi ko naman po gusto si Ser Noah--"
"I know you like my brother. Duh!"
Ganoon ba kahalata ang damdamin niya kay Noah? Maski si Michelle at Noah ay nahahalata na yata siya?