Chapter 4
Halos tatlong buwan ang mabilis na lumipas. Parepareho lang ang nagiging takbo ng araw ni Yaya sa loob ng mansiyon.
Araw araw siyang nakatokang maglinis ng kwarto ni Ma'am Michelle ang nag iisang babaeng anak ng amo niya na napakabait sakanya. Naging kaibigan niya rin agad ito dahil magaan ang pakikitungo nito sakanya.
Sa loob ng tatlong buwan naging masaya naman siya sa kanyang trabaho. Magaan lang iyon at parang nagkalaman-laman pa nga siya. Marami kasing libreng pagkain sa mansiyon. Madalas rin siyang ilibre ng pagkain ni Michelle
Paminsan-minsan nakikita niya rin ang iba pang mga anak ng kanyang amo sa tuwing dadalaw ang mga ito sa mansiyon. Nakakalaglag panty talaga ang kagwapuhan ng mga ito! Ngunit lahat ng mga ito ay may mga asawa na at mga anak.
Tanging si Ser Noah nalang ang single sa magkakapatid. Ito rin naman talaga ang nag iisang crush niya sa mga amo nila. Ngunit ito rin ang pinakatahimik at suplado sa lahat. Hindi pa nga siya kinakausap nito simula ng maging katulong siya ng pamilyang Hoffman.
Kahit sulyap man lang ay hindi nito ginagawa sakanya. Para siyang hangin kung ituring nito kahit madalas niya itong batiin ng good morning at have a nice day. Dinededma lamang siya nito.
"Yaya sasama ka ba?"
Napalingon si Yaya kay Aling Fe ng tanungin siya nito kung sasama ba siyang mamalengke ng araw na iyon.
"Hindi na po Aling Fe. Pinapagluto ho ako ni ma'am michelle ng beef steak eh" Magalang na sagot niya kay Aling Fe
"Osiya sige mauna na kami sayo"
Kasama ni Aling Fe ang tatlong kasamahan nila. Lahat ng mga katulong sa mansiyon ay mababait at masayahin. Mahal na mahal na nga niya ang mga ito na para bang magkakamag-anak sila
Tatlong beses na rin siyang pabalik balik sa kanilang probinsya upang mag bigay ng pera sa pamilya niya. Malaki ang sweldo niya sa mansiyon kaya naman nakaluwag luwag na rin ang pamilya niya at napapagamot na niya ang kanyang ina
Dumiretso si Yaya sa loob ng kusina kung saan siya magluluto ng tanghalian ni Ma'am Michelle
Naabutan niyang nagchichismisan ang mga kasamahan niyang katulong. Mga bagong katulong ang mga ito.
"Talaga ba? Kaya pala napakasungit anak naman pala sa labas"
Napahinto si Yaya sa pagpasok sa kusina ng marining niya ang pag uusap ng mga ito
Napakunot agad ang kanyang nuo sa topic ng mga bagong katulong
"Oo sayang nga ang gwapo gwapo pa naman pero ubod ng suplado. Palibhasa walang maners dahil lumaki sa skwater"
Lalong napakunot ang nuo ni Yaya sa pinag uusapan ng mga ito. Tila si Ser Noah ata ang pinag-uusapan ng mga ito??
"Akala mo kung sino, Anak naman pala sa labas. Anak sa pagkakasala kaya siguro nahihiya makihalubilo yang si Ser Noah sa mga original nating amo"
Hindi na kinayanan ni Yaya ang matinding galit na namuo sa kanyang puso. Anong karapatan ng mga ito na pag-usapan si Noah??
"Mali ho iyang ginagawa niyo!" Sigaw niya pagkapasok niya sa loob ng kusina
Nagsitinginan agad ang mga ito sakanya. Natigil rin ang pagchichismisan ng mga ito
"Mali hong pag-usapan niyo yung taong walang ginagawang masama sainyo." Medyo nanginginig niyang sabi sa mga ito
Kapag nagagalit kasi siya hindi niya nakokontrol ang pag nginig ng kanyang katawan
"Y-Yaya. H-Hindi naman namin siya pinag-uusapan" Mukhang natakot naman ang bagong katulong at agad itong napatuwid ng tayo. Alam nitong kaibigan niya si Ma'am Michelle at isang sumbong lamang niya kay Michelle ay panigurado matatangal ang mga ito sa trabaho
"Ano ho bang masama sa pagiging anak sa labas? Anong mali doon? At ano hong karapatan niyong panghimasukan ang buhay nung tao? Wala naman kayong alam tungkol sa tunay na pinagdaanan nila. Huwag ho kayong ganyan! Masama ho ang mga ugali niyong ganyan."
Hindi niya namalayan na natulo na pala ang kanyang luha dahil sa halo halong emosyon
"Wala hong ginagawang masama sainyo si Ser Noah. Hindi lang kayo pinapansin pinag-iisipan niyo na ng masama? Wala kayong karapatan dahil hindi niyo siya kilala at hindi niyo alam kung ano bang nararamdaman niya!"
Nang matapos siya sa kanyang mahabang sinasabi ay dali dali siyang tumakbo palabas ng kusina. Pinunasan niya ang kanyang luha dahil sa galit na kanyang naramdaman para sa mga chismosang bagong katulong
Napahinto siya sa pagtakbo ng makita niyang nakasandal sa gilid ng pinto si Noah!
Nakapamulsa ito at mukhang nakikinig sa mga pinag-usapan nila!
Nanlaki ang kanyang mga mata ng magtagpo ang kanilang paningin.
Malamlam ang mga mata nito sa mga oras na iyon habang nakatingin sa kanyang luhaan na mukha.
"S-Ser" Iyon lang ang nasambit niya habang nakatingin siya kay Noah. Panigurado narinig nito ang mga pinagsasasabi ng mga chismosang katulong
"Do you want water?"
Napalunok siya dahil ito ang unang beses na tanungin siya ni Noah! Parang nanghina tuloy ang kanyang tuhod sa mga oras na iyon
Hindi niya alam ang kanyang isasagot.
Tumayo ng maayos si Noah at pinatunog pa nito ang leeg nito. Ini-abot nito sakanya ang hawak nitong water bottle na kalahati nalang ang laman ng tubig
Nanginginig parin ang kanyang kamay ng abutin niya iyon.
"Hindi rin ako badbreath kaya malinis yan" Sabi ni Noah sakanya ng titigan niya lang ang water bottle na iniabot nito sakanya
Agad niyang binuksan iyon at direderetsong uminom ng tubig upang kumalma ang kanyang katawan.
Hindi parin siya makapaniwala na kinakausap siya ngayon ni Noah! Sa loob ng tatlong buwan ni ha ni ho wala itong sinasabi sakanya. Hindi siya nito kinausap kahit isang beses lamang! Pero ngayon binigyan pa siya nito ng tubig kaya lalo tuloy bumilis ang t***k ng kanyang puso
"You don't need to do that. Hayaan mo silang mag usap ng mga walang kwentang bagay. Sayang naman kasi ang luha mo"
Iyon lang ang sinabi nito bago ito tumalikod sakanya at naglakad palayo.
Napahawak siya sa pader dahil sa bilis ng pangyayari. Totoo bang kinausap siya nito? Parang nanglambot ang buong katawan niya
Napatingin siya sa water bottle na hawak hawak niya. Ngayon niya lang narealize na nainoman na iyon ni Noah at ininoman niya rin?! Ibig sabihin nahalikan na niya ito sa pamamagitan ng boteng iyon??
Namula ng husto ang kanyang pisngi dahil sa kanyang naisip. Nais niya tuloy lawayan ang buong bibig ng bote para masigurado niyang nakahalik na siya sa labi nito kahit sa pamamagitan lamang ng boteng iyon
Buong araw hindi maalis sa isip ni Yaya si Noah. Mas gwapo ito kapag nagsasalita. First time niya rin nakitaan ng kaunting emosyon ang magaganda nitong mga mata. Tila ba malumanay iyon kanina?
Hangang sa pagtulog niya sa gabi ay si Noah parin ang kanyang naiisip. Simula kasi ng makilala niya si Noah ay naging ultimate crush na talaga niya ito at hindi na iyon nawala kahit isang minuto.
Araw araw nga siyang nagbabakasakaling makita ito sa loob ng mansiyon ngunit paminsan minsan niya lang itong nakakasalubong. Kaya masayang masaya talaga siya ngayong araw dahil kinausap siya nito at binigyan pa siya ng tubig!
Kinabukasan maagang nagising si Yaya kahit masakit ang kanyang ulo. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kakaisip kay Noah at halos sambahin niya ang water bottle nito. Katabi niya at kayakap sa pagtulog ang water bottle ni Noah. Wala naman nakaka-alam na ganoon siya kabaliw sa binata.
Hindi naman siguro masamang mangarap diba?
"Yaya pinapalinis ni Ser Noah yung kotse niya sayo. Tulungan mo raw siya"
Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ng isang kasamahan niya ng makapasok siya sa kusina.
"A-Ako?" hindi makapaniwalang tanong niya
"Oo sino pa ba ang yaya ang pangalan dito? Milagro nga at nag-utos eh"
Napakagat labi siya dahil sa sinabi ng kasamahan niya.
"N-Ngayon na ba?"
"Oo puntahan mo na si Ser Noah naglilinis na siya ng kotse niya eh"
Napalunok siya at nakaramdam ng pananabik.
"S-Saglit maliligo lang ako!" Napatakbo siya pabalik sa kanyang kwarto upang maligo ng mabilisan!