Chapter 37 Napahagalpak sa tawa si Amanda ng matapos ikwento ni Yaya ang mga nangyari noon. Kasalukuyan silang nasa isang sikat na coffee shop sa makati dahil sinundo siya nito sa condo ni Noah. Alam kasi ni Amanda na magkasama na sila ni Noah ngayon sa condo nito for almost two weeks since nagka-aminan sila ng damdamin. Mabuti nalang at pinayagan siya ni Noah na makipagbonding kay Amanda kahit na may trabaho pa sana siya sa mga oras na iyon. Siya pa naman ang assistant ng head accounting manager ngayon. Gusto pa nga siyang gawing Vice president ni Noah sa Haon Corporation ngunit todo ang kanyang naging pagtangi Mabuti nalang at nagkasundo sila na unti-untiin muna ang pag promote sakanya upang makaiwas rin sa chismis. Gusto niya rin may maabot na mga higher posisyon sa Haon Corporation