Chapter 38 "Amanda akala ko ba uuwi na tayo?" Hindi siya pinansin ni Amanda habang abala ito sa pag-pili ng mga alahas. Kanina pa sila naroon at napakarami na nitong nabili para sa sarili nito. "Wait lang Aya.." Panay pa rin ang sukat nito ng diamond ring habang nakatingin lang siya sa ginagawa nito. Napabuntong hininga lang siya. Kanina pa rin siya tinatanong nito kung maganda ba o hindi ang mga alahas na binibili nito. Sa tuwing oo ang sagot niya ay agad nitong binibili ang alahas na iyon. Kapag hindi naman ang sagot niya ay hindi na nito iyon binibili. Maya maya pa nilapitan ito ng isang lalakeng naka-uniporme ng kulay itim na tuxedo. Mukhang ito ang may-ari ng jewerly shop na iyon. Mga kilalang personalidad lamang ang nakakapasok sa jewerly shop dahil hindi kakayanin ng mga katu