Kabanata 22 |Bunga ng Pangarap|

2492 Words
Pilipinas ~ Oktubre 7, 1940~ “Zane! Umay kattoyen ta tulungan nak na linisan dagitoy bangus na nahuli ni Manong Carlito! (Halika na rito at tulungan mo akong linisin ang mga bangus na nahuli ng kuya Carlito!)” Dahilan ang sigaw ng kaniyang ina upang dali-daling iligpit ngayon ni Zane ang kaniyang mga kamara na siya nga niyang ginamit upang kuhanan ng litrato ang kaniyang mga nakababatang kapatid na dalawang kambal na babae na nasa edad walong taong gulang. Katulad niya ang isang kambal na kulay olandes (blonde) din ang buhok na siyang minana nila sa kanilang amang isang purong Finnish. Habang ang isang kambal naman ay minana ang itim na buhok ng kanilang purong Pilipinong nanay. Ang mga kulay ng kanilang buhok ang tanging pinagkaiba ng dalawa. “Kuya Zane, pakita naman ng litrato ko,” saad ni Anna o ang kambal na nagtataglay ng kulay olandes na buhok. “Heto ang litrato niyo,” nakangiting sambit ni Zane na siya ngang natapos nang patuyuin ang kanina ay basang litrato. “Kuya, sino sa tingin mo ang mas maganda sa amin ni Anna? Ako o siya?” sunod namang tanong ngayon ni Hanelle o ang kambal na siyang nagtataglay ng itim na buhok. Hindi nga maiwasang matawa si Zane nang marinig ang katanungang iyon ni Hanelle na siya ring dahilan upang sunod-sunod niyang halikan ang mga ulo ng mga ito. “Pareho kayong maganda ni Hanelle. Walang nakalalamang o hindi kaya’y walang naiiwan,” sagot nga ni Zane sa kanila na siyang dahilan upang sabay na mapangiti ang kambal at sabay rin ngang niyakap ang kanilang kuya. “Zane anak! Bumaba ka na rito!” tawag muli ng kanilang ina mula sa ibaba dahilan upang mapakamot ng ulo si Zane at kumawala na nga sa pagkakayakap ng dalawa. “Oh, siya, narapat na lamang na bumaba na ako dahil baka pumaroon pa rito si Inang at sermonan na naman ako,” saad nga ni Zane na siya rin namang sinang-ayunan ng dalawa. “Narapat lamang nga talaga kuya dahil baka mamaya niyan ay mahuli pa niyang kinukuhanan mo kami ng litrato ni Anna para sa iyong proyekto sa paaralan,” sang-ayon ni Hanelle na siyang kapansin-pansin ngang mas masalita kaysa sa isa niyang kambal na tahimik lamang at mailap nga kung magsalita. “Kaya nga eh, basta Anna at Hanelle, huwag na huwag niyong babanggitin sa Inang ang patungkol dito ha?” sagot ni Zane na ngayon ngay inabutan nga niya ang kaniyang mga kapatid ng tig-iisang tagapulot (minatigas na asukal) na nanggaling pa sa Ilocos Norte. Paborito ng dalawang kambal na gawing kendi ang tagapulot kaya’t parehong abot langit ang ngiti ng mga ito nang iniabot sa kanila ng kanilang kuya ang pasalubong nito mula sa Ilocos Norte kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng medisina. “Maraming Salamat po kuya Zane,” nakangiting sambit ni Anna na siya rin naman tinanguan ni Zane. At nang ibaling nga niya ang tingin niya sa isang kambal ay binuksan na nito agad ang tagapulot niya at kasalukuyan na ngang nakakagat mula rito. “Naku Hanelle, maghunos dili ka at baka sumakit na naman ang ngipin mo riyan,” suway nga ni Zane dito na hindi nga maiwasang pisilin ang kaliwang pisngi ng kaniyang kapatid. “Kuya naman, paano ako maghuhunos dili kung halos limang buwan din noong huli kong natikman ito?” pangangatwiran nga nito na siyang dahilan para halos sabay ngayong mapailing si Zane at Anna. “Zane!” tawag muli ng kanilang ina dahilan upang tumayo na nga ngayon si Zane mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama. “Oh siya, basta huwag niyong ubusin iyan ng isang araw dahil talagang sasakit ang ngipin niyo niyan,” paalam nga ni Zane sa dalawa na bago pa man lumabas sa kaniyang kwarto ay pareho nga nitong ginulo ang mga buhok ng kaniyang mga kapatid sabay takbo palabas bago pa man irritable siyang sigawan ng dalawa. “Kuya!” “Kuya naman eh!” Sabay ngang sigaw ng dalawa dahilan upang hindi maiwasang matawa ni Zane habang pababa na ito sa hagdan. “Zane? Ikaw na ba iyan?” sunod-sunod na tanong ng isang babae na nasa edad apatnapu na ngunit kung titignan ay tila ba nasa edad na tatlumpu pa lamang ito dahil sa bata ng kaniyang mukha. “Ako na nga po Inang,” sagot ni Zane na ngayon ngay nakababa na at niyakap nga patalikod ang kaniyang ina na kasalukuyang nililinasan ang mga bangus na nasa lababo. “Naku Zane, kailangang pa talagang tatlong beses kitang tawagin upang bumaba ka na rito?” tanong nga sa kaniya nito na siyang hinarap na nga siya ngayon ngunit diretso lamang ang tingin nito sa dibdib ni Zane na siyang katapat ng kaniyang mata. “Naku Inang, masama sa matanda ang nagagalit,” saad nga ni Zane na magkabilaang hinawakan ang pisngi ng kaniyang ina at itinaas nga ang tingin nito sa eksakto niyang mukha. “Hay naku, ginagawa mo na namang biro ang mga sermon ko eh,” saad nga ngayon ng kaniyang ina na siya ngang mahina siyang pinalo sa braso. “Kakarating ko palang inang pero palo na agad ang salubong niyo sa akin,” pabirong saad nga ni Zane dahilan upang mapasinghap ng tuluyan ang kaniyang ina ngayon ngay unti-unting kinapa ang mukha ng kaniyang anak na noong huli nitong alis ay halos katapat pa lamang niya ito ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang tinangkad ng binata. “Tumangkad ka ata anak?” tanong ng kaniyang ina habang marahang kinakapa ang mukha nito at binubusisi kung may nagbago ba rito mula nang huli itong umalis sa kanilang tahanan. Pitong taon na ang nakakalipas simula nang mawala ang paningin ng ina nila Zane na siyang isa sa mga naging bunga ng trahedyang nangyari sa pamilya. Pitong taon mula noong mabunggo at mahulog sa bangin ang sinasakyan ng buong pamilya nila na siyang sanhi rin kung bakit namatay ang padre de pamilya nila. Simula noon ay naging kaakibat din ng aksidente ang paghihirap nila na siyang dahilan upang humingi si Zane ng tulong sa ibang tao upang matupad nito ang pangarap na maging isang doktor. “Ganoon nga po Inang, hindi hamak na mas matangkad na ho ako sa inyo,” pabiro ngang sagot ni Zane sa kaniyang ina na kalukuyang nakangiting kinakapa ang bawat parte ng mukha ni Zane. “Nakakalungkot lamang at hindi kita makitang magbinata,” saad ngayon nito na siyang dahilan upang saglit na matigilan si Zane na kalaunan ay mapait na lamang itong ngumiti sabay hinawakan ang magkabilaang kamay ng kaniyang ina. “Inang, tiyak naman akong nakikita niyo pa rin naman ako sa imahinasyon niyo eh,” saad nga ngayon ng binata na siyang hindi nga maiwasang magpigil ngayon sa pagluha nang dahil sa awang nararamdaman niya sa kalagayan ng kaniyang ina na siyang isa sa mga naging rason niya para mag-medisina. Nais niyang humanap ng paraang para maibalik ang paningin ng kaniyang ina at sa oras ngang makapagtapos siya sa pag-aaral ay ito ang siyang una niyang hahanapan ng lunas. “Gayon nga anak, hanggang imahinasyon na lamang ang lahat-lahat maging ang pagmumukha ng iyong mga kapatid ay tanging sa imahinasyon kona lamang nakikita,” sagot ngayon ng kaniyang ina na siyang hindi na nga maiwasang maluha nang dahil sa ipinagkait sa kaniyang pagkakataon upang makita ang paglaki ng kaniyang mga anak. “Inang”—tawag ni Zane dito habang unti-unti na nga ngayong pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ng kaniyang ina—“darating din ang araw na babalik muli ang paningin mo at makikita mong muli kami.” At walang pasubali ngang niyakap ngayon ni Zane ang kaniyang ina. “Ipinapangako ko ina na gagawin ko ang lahat upang mahanap ang solusyon sa inyong karamdaman. Ibabalik muli natin ang inyong paningin at muli’t muli niyo kaming makikita ulit nila Anna at Hanelle.” ~ Oktubre 11, 1940~ “Zane?” tawag ng isang binata kay Zane nang makita ito sa bungad ng Willson Ospital na tila ba may inaantay. “Jose!” tawag ni Zane sa binata sabay tayo mula sa pagkakaupo. “Anong ginagawa mo rito?” tanong sa kaniya ni Jose nang makalapit na ito ng tuluyan sa kaniya. “Inaabangan ko ang pagdating ni Doktor Willson Morgan dahil ang sabi nila ngayon daw ang bisita niya sa ospital na ito?” sagot at tanong ni Zane dito na siya rin namang tinanguan ng binata. “Oo ngayon nga, kaya rin nga ako nagpunta rito upang magpasa ng pag-aaral at nagbabakasakali nga akong makuha bilang isa sa mga iskolar ng Willson Research Institute,” sagot nga ni Jose na saglit na matigilan nang mapagtanto ang maaaring pakay ni Zane dito sa ospital. “Teka lamang, huwag mong sabihin na magpapasa ka rin ng pag-aaral upang maging iskolar ng institusyon?” Unti-unti ngang tumango si Zane bilang sagot na noong una ay nagdalawang isip pa ito na aminin dahil sa kadahilanang mukhang magiging kalaban niya ito sa pagkuha ng opurtunidad para maging iskolar ng institusyon. “Kung gayon ay mukhang hindi muna kaibigan ang magiging turing ko sa iyo sa pagkakataon na ito,” sambit ni Jose ngunit kapwa nga silang natigilan ni Zane nang biglang may tumigil na magarbong sasakyan sa tapat nila at doon nga natuon ang atensyon nila sa matandang doktor na palabas ngayon sa sasakyan habang kasama ang iba pang mas batang doktor. “Doctor Willson Morgan, welcome to the Philippines,” bungad ng isang nars sa matandang doktor na siyang dahilan upang kapwa matulala ang dalawa at magtinginan. At wala pang ilang minuto ay mabilisang nag-unahan ang dalawa palapit sa doktor kasabay nang mabilisang pagkuha nila ng kani-kanilang mga dokumento sa kanilang bag. “Doktor Willson, I need to talk to you!” Halos sabay na bulalas ng dalawa ngunit natigilan sila nang harangan nga sila ng mga nars bago pa man sila makalapit sa kinatatayuan ng doktor. “Doktor Willson, I want to be your scholar, please give me a chance to present to you my study,” walang kurap na bulalas ni Jose sabay abot ng kaniyang dokumento sa doktor na siya rin naman nitong kinuha. Ngunit nang akmang bubuklatin na nga sana ng doktor ang dokumento ay sakto namang nakawala si Zane sa pagkakahawak sa kaniya ng nars dahilan upang patakbo itong lumapit sa doktor at doon ngay halos natigilan ang doktor nang bigla na lamang lumuhod sa kaniya ang binata sabay abot ng dokumento sa kaniyang kamay. “Doktor Willson, I am here to give you my study about my twin sisters,” nanginginig ngang sambit ni Zane habang walang kurap na nakatingin sa mga mata ng doktor na ngayon ngay nakakunot na ang noo at tunay ngang napukaw ang atensyon nito kay Zane nang banggitin nito ang patungkol sa kaniyang kambal na kapatid. “Twin sisters?” tanong ng doktor na siya rin namang unti-unting tinanguan ni Zane. ~ Oktubre 12, 1940~ “Hanelle! Anna! Tapos na ba kayong magpalit?” sunod-sunod na bulalas ni Zane na siya ngang hindi magkamayaw ngayon sa kaba dahil itong araw na ito ang siyang nakatakdang pagpunta ng institusyon kasama si Doktor Willson sa kanilang tahanan upang makita ang dalawang kambal. “Malapit na po kuya! Sadyang napakatagal lang talagang magpalit ni Hanelle!” sagot nga ni Anna sa kaniya mula sa itaas. “Anak, ang sabi mo ay mabibigyan ka ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa sa oras na tanggapin ng institusyon ang iyong pag-aaral?” tanong nga ng kaniyang ina na kasalukuyang naghahanda ngayon ng makakain para sa mga bisita. “Opo inang. At sa oras na makapag-aral ako sa Amerika ay doon ko na rin gugugulin ang paghahanap ng paraan upang ibalik ang paningin ninyo,” nakangiting sagot nga ni Zane na siyang nabaling nga ang atensyon nang marinig ang pagtigil ng tatlogn sasakyan sa tapat ng kanilang tahanan. “Hanelle! Anna! Narito na sila bumaba na kayo riyan!” sunod-sunod ngang bulalas ni Zane dahilan upang patakbo ngang bumaba ang dalawang kambal. Matapos non ay agaran na rin ngang binuksan ni Zane ang pintuan kung saan sunod-sunod na pumasok ang mga doktor at nars kasama si Doktor Willson. “Are you the twins?” namamanghang tanong ng matandang doktor nang makita nga kambal na may hindi magkaparehong kulay ng buhok ngunit tunay na magkamukhang-magkamukha. “They are Doktor Willson,” sagot ni Zane na nakangiti nga ngayong ipinakilala ang kaniyang mga kapatid. “This is Hanelle Nikosi,” pagpapakilala ni Zane sa kambal na isa na siyang naiilang ngang tignan ang mga doktor at halos nagtatago nga sa likuran ng kaniyang kuya dahil sa hiya. “And this is Anna Nikosi,” sunod na sambit ni Zane. “Nice meeting you all,” nakangiting bati ni Anna sa mga doktor na dahilan upang magtinginan ang mga ito nang dahil sa napansin nilang pagkakaiba sa personalidad ng dalawang kambal. “This is so perfect,” nakangiting saad ni Doktor Willson dahilan upang kapwa mapangiti rin sina Zane at ang kaniyang ina. “They are the perfect subjects for the new study.” “Does it mean, my study is now accepted and I can be now your scholar?” tanong nga ni Zane na siya rin namang tinanguan ng doktor. “Yes it is, but in one condition,” sagot ng doktor na siyang dahilan upang matigilan si Zane at mapakunot ng noo. “W—what condition?” nagtatakang tanong ni Zane na maging nga ang ina niya ay nagtataka na rin ngayon. “Your sisters will be subjected to a study so”—sagot ng doktor sabay abot ng isang dokumento kay Zane—“we are going to bring them with us in America.” Dahilan nga ang sinambit ng matandang doktor upang kapwa ngayon matigilan si Zane at ang kaniyang ina na agaran ngang hinila ang dalawang kambal palapit sa kaniya at mahigpit ngang niyakap ang mga ito. “No! You are not going to take my children away from us!” sunod-sunod na bulalas ng ina nila Zane dahilan upang tumaas ang isang kilay ng Doktor na ngayon ngay ibinaling ang tingin kay Zane. “If you are not going to agree with the contract, you will not be a scholar of the institution,” saad ng doktor sa kaniya dahilan upang maguluhan siya ng tuluyang ngunit kalaunan ay napailing din lang ito bilang sagot sabay balik ng dokumentong pipirmahan niya dapat kung sakaling sang-ayon siya sa gusto ng doktor. “I don’t want to accept you condition even though you are not going to let me be your scholar. I will not let you take my sisters,” walang kurap na sagot ni Zane dahilan upang mapasinghap ng tuluyan ang Doktor na siyang ibinaling ang tingin sa mga kasama nilang lalaki na nakasuot ng puting pantalon at amerikana. “Take the twins.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD