Pilipinas
~ Oktubre 7, 1943~
“Sa tingin mo ba ay nasa loob ng ospital na iyan ang kapatid mo?” tanong ngayon ni Mary kay Tobias na siyang kasama nito ngayon sa loob ng sasakyan na nakatigil malapit sa ospital na pinasukan nila Emmanuel at Zane.
Pareho silang nag-aantay ngayon kung mangyaring magka-aberya sa plano at baka mahuli nga sina Emmanuel at Zane. Naroon sila sa labas upang agad na matulungan ang dalawa upang kung sakali man na may mangyaring masama sa dalawa ay naroon sila para iligtas ang mga ito.
“Sa totoo lamang, hindi ako sigurado ngunit umaasa pa rin ako na dito ko na siya makikita,” sagot ngayon ni Tobias na siyang nakatuon nga ang buong atensyon sa tatlong palapag na ospital malapit sa kanila.
“Kung narito man siya”—patuloy ni Mary na siya ngang tumingin na ngayon kay Tobias—“sa tingin mo ba ay magagamot na ang karamdaman mo?”
Dahilan nga ang katanungang yaon ni Mary upang unti-unting ibaling ni Tobias ang tingin niya sa dalaga.
Simula kasi nang malaman ni Tobias na buhay pa si Hans ay inakala nitong unti-unti na ring mawawala ang dinaranas niyang lungkot. At inakala rin nga nitong unti-unti ring mawawala ng tuluyan ang pagkabalisa niya.
Ngunit sa isang buwan na paghahanap niya sa kaniyang kuya ay nasaksihan lahat ni Mary ang bawat araw na nawawala sa sarili si Tobias at ang bawat pagwawala at panggigigil nito sa tuwing nagkakaabirya sa paghahanap sa kaniyang kuya.
“H—hindi ako sigurado sa bagay na iyon,” unti-unti ngang sagot ni Tobias na siya ngang napasinghap ngayon at sabay kapa ng maliit na bote mula sa suot nitong amerikana.
Ang boteng ito ay naglalaman ng ilang kapsula ng Nembutal. O ang siyang kaparehong gamot na itinurok sa kaniya ni Mary noong unang pagkakataon na sinumpong siya ng kaniyang sakit sa mismong harap nila. Gumawa ng kapsulang bersyon si Mary para kay Tobias upang kung sakali man na sumpungin ito ay buong abot lamang nitong maiinom ang gamot na magpapakalma sa kaniya.
Nalaman na nila Tobias ang kinaroroonan ng bagong Doktor na may hawak kay Hans at kasalukuyan ngang itinigil ngayon ni Bernard ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking bahay.
Agad-agad na bumaba sa sasakyan si Tobias at sumunod naman sa kaniya ang dalawa.
At nang nasa tapat na sila ng pintuan ng bahay ng Doktor ay napasinghap muna si Tobias bago pa man niya tuluyang kinatok ang pintuan na agarang binuksan ng katulong ng bahay.
“H—how may I help you sir?” bungad na katanungan ng katulong.
“Is this the house of Doctor Elvis George?” tanong ni Tobias na siyang tinanguan naman ng katulong.
“Yes it is,” sagot ng katulong na siyang dahilan upang mapangiti ng tuluyan si Tobias.
“May I talk to him right now?” tanong ni Tobias dito na siyang umaasang makausap ang Doktor at sa pagkakataong ito ay malalaman na niya kung saan naroon ang kaniyang kapatid.
“I—I am so sorry to tell you this, but Doctor George is out of the country right now,” sagot ng katulong na siyang dahilan upang unti-unting mawala ang ngiti sa labi ni Tobias. “He is in the Philippines right now.”
_________________________
“Tobias?” tawag ngayon ni Bernard kay Tobias na siya ngang hindi pa rin pumapasok sa loob ng kotse gayong naroon na sila ni Mary.
“Tobias, hindi ka pa ba papasok dito?” kunot noon gang tanong ni Mary ngunit hindi nga lang sila sinagot ng binata na kasalukuyang tulala habang nakatikom ang kaniyang kamao.
“Tobias?” muling tawag ni Mary na sa pangalawang pagkakataon ngay hindi na nito tuluyang napigilan ang sarili na lumabas sa kotse at hilahin nga paharap sa kaniya ang binata.
“Ano bang problema mo?”
“P—pinatay ko sila,” unti-unting sagot ni Tobias na ngayon ngay lumuluha na dahilan upang mas mapakunot ng noo si Mary at lumabas na rin nga mula sa kotse si Bernard.
“Ano?”
“Pinatay ko ang kuya, pinatay ko si Pineal, pinatay ko ang mga magulang namin!” bulalas ni Tobias na ngayon ngay sunod-sunod na pinagsasasampal ang sarili dahilan upang parehong hawakan nila Bernard at Mary ang mga kamay nito.
“He is again, hallucinating Mary,” natataranta ngang saad ni Bernard na hindi sana sa mga ganitong sitwasyon dahil ang tinapos niya ay ang pagdodoktor sa puso at hindi ang pagiging isang psychiatrist tulad ng kina Emmanuel at ni Zane na tinatapos pa lamang ang pag-aaral.
“Kunin mo ‘yong dala kong Nembutal!” bulalas nga ni Mary dahilan upang agad na pumasok si Bernard sa sasakyan at agad na kinuha roon ang bag ni Mary na naglalamang ng isang bote ng Nembutal at ilang pirasong hiringgilya. Kumuha nga ito ng isang hiringgilya at madaliang nilagyan ng ilang dosis (dosage) ng Nembutal.
“N—narito na Mary,” saad ni Bernard na madalian na ngang itinurok kay Tobias ang hiringgilya dahilan upang unti-unti itong manghina at matigila sa pagwawala.
Halos hingalin naman ngayon si Bernard na siya ngang napasandal sa kotse.
_________________________
“Ano bang klaseng karamdaman ang mayroon siya?” tanong ngayon ni Bernard kay Mary nang mailapag na niya si Tobias sa sofa ng bahay na tinutuluyan nila.
“Hindi rin kami sigurado ngunit magpasalamat na lamang tayo at tinatablahan siya ng Nembutal,” sagot ni Mary na siya ngang dumiretso agad sa kaniyang kwarto at makalipas lamang ng ilang minuto ay lumabas din lang ito na may dala-dala ng isang maliit na bote na naglalaman ng dilaw na kapsula.
“Ano ito?” nagtatakang tanong ni Bernard nang ilapag na nga ni Mary ang bote sa katabing lamesa ng kinahihigaang sofa ni Tobias.
“Ilan lamang iyan sa mga ginawa kong kapsulang bersyon ng Nembula,” sagot ni Mary na dumiretso na sa pag-upo sa kusina na siya rin namang sinundan ni Bernard.
Si Mary ay isang parmasyutika o ang propesyon sa paggawa ng mga gamot. Nakpagtapos siya sa pagdodoktor ngunit mas pinili nitong tahakin ang larangan sa paggawa ng mga gamot kaya’t hindi na mahirap sa kaniya na gawing kapsula ang Nembula.
“Kung gayon ay pareho na lamang nating antayin ang magiging resulta ng lahat-lahat,” saad ngayon ni Mary na siyang ibinaling na ang tingin sa ospital.
“Hindi naman iyon ang rason ko sa paghahanap kay Kuya Hans,” saad nga ngayon ni Tobias na siyang dahilan upang bumalik muli ang tingin ni Mary sa kaniya.
“Nais ko siyang hanapin at si Pineal upang mabuo ng muli ang pamilya ko,” patuloy ni Tobias na siyang dahilan upang matigilan si Mary.
“P—pamilya?” unti-unting sambit ni Mary na ibinaling ang tingin sa kanilang harapan.
“Oo, pamilya,” nakangiti ngang sagot ni Tobias.
“Mayroon pa pala—“
“T—teka, hindi ba si Emmanuel iyon?” halos walang kurap na tanong ni Mary na siyang nagkataong nabaling ang tingin sa ospital kung saan sa harapan nito naroon si Emmanuel hawak-hawak si Zane at siya ngang sumesenyas sa kanila na kailangan na nilang makatakas mula sa ospital.
“Siya nga iyon, mukhang nahuli sila,” gulat ngang sagot ni Tobias na siya ngang nasundan nang agarang pagbukas ni Mary sa makina ng sasakyan at mabilisan ngang pinaandar ito palapit sa ospital.
At wala pang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng dalawa at agad ding sumakay rito si Emmanuel na sa pagtataka nila Tobias ay pinilit pa nitong isakay si Zane.
“Kailangan na nating umalis dito,” utos ni Emmanuel na pawisan na nga at hinihingal.
“Hindi! Hindi tayo aalis dito!” sunod-sunod na bulalas ni Zane na akmang magpupumilit pa ngang lumabas pero hinawakan na siya ni Emmanuel sabay tango kay Mary bilang hudyat na kailangan na niyang paandarin ang sasakya.
“Bitawan mo ako Kuya Emmanuel! Kailangan kong bumalik doon!” sunod-sunod na bulalas ni Zane habang mabilisang pinapaharurot na ngayon ni Mary ang sasakyan.
“Zane, hindi muna tayo babalik doon dahil tiyak na ikapapahamak mo lang kung babalik tayo roon,” tutol ni Emmanuel na siya ngang tinurukan na si Zane ng pampatulog upang tuluyan na itong kumalma at hindi namagpumilit pang lumabas.
“K—kuya, kailangang kong bumalik—“
Unti-unti na ngang nanghina at ipinikit ni Zane ang kaniyang mga mata nang tuluyan nang bumisa ang gamot na itinurok sa kaniya ni Emmanuel.
“Emmanuel, anong nangyari?” takang-takang tanong ni Mary.
“Nakita niyo ba ang kapatid ko sa loob?” sunod namang tanong ni Tobias.
Dahilan upang mapasinghap ngayon si Emmanuel bago pa man sagutin ang mga kasagutan nila.
“Hindi ko pa sigurado kung naroon nga si Doktor Hans dahil nang oras na papasok na sana ako sa kwarto na posibleng kinalalagyan niya ay narinig ko ang sigaw mula sa ikatlong palapag kung saan naroon si Zane. At ang sigaw nga na iyon ay nanggaling mismo sa kaniya dahilan upang agaran akong tumaas upang iligtas siya sa posibleng kapahamakan na kinakaharap niya,” sagot ni Emmanuel na ikinanuot ng noo nila Tobias at Mary.
“Ano bang nangyari? Bakit sumigaw si Zane?” sunod-sunod na tanong ni Mary.
“Nakita niya sa ospital na iyon ang mga nakababata niyang mga kapatid na kinuha ng institusyon mula sa kanila,” patuloy ni Emmanuel na ibinaling ang tingin kay Zane na kasalukuyang walang malay ngayon. “Mukhang ito na ang rason niya sa pagpasok sa ating grupo.”