“Ano itong mga nalaman ko Doktor Emmanuel na pinagbawalan mo raw si Doktor Isaac na makasali sa proyekto? Gaano ba kakapal ng mukha mo para labagin ang iniuutos ko sa iyo na isali ang anak ko sa proyektong ito?” Saglit ngang napapikit si Doktor Emmanuel kasabay ng kaniyang pagbuntong hininga bago pa man tignan si Doktor Willson. “Tulad ng sinabi ko sa iyo una pa lamang ay hindi ako makakapayag na isali mo ang Tobias na ‘yon sa proyekto ko,” ang iginiit ni Doktor Emmanuel. “Hindi ka pa ba nadadala Doktor Willson na nananalantay sa dugo ng lalaking iyon ang dugo ng taong nagtaksil sa intitusyon niyo? O sadyan nagbubulag-bulagan ka lamang ngayon?” “Doktor Emmanuel,” sambitla ng matanda na siyang diretso nga ngayong tinignan ang doktor. “Ilang ulit ko bang sasa