Manila, 1950 “I—isaac, what are you doing here?” kunot noong tanong ni Doktor Willson nang madatnan si Tobias sa kaniyang opisina. “Dapat ay nagpapahinga ka ngayon—“ “Ayos na ako papá. Nanumbalik na ang sigla ko at hindi na rin masyadong sumasakit ang ulo ko,” giit ni Tobias dahilan upang mapatango ang doktor at naglakad na ngayon papunta sa kaniyang upuan. “So why are you here? May kailangan ka ba?” sunod-sunod na tanong nito matapos maupo sa kaniyang upuan dahilan upang mapabuntong hininga ngayon si Tobias at naupo na rin sa tapat nito. “Nais ko sanang tanungin papá kung tuloy pa rin ba ang pagsali ko sa pag-aaral na gagawin nila Doktor Emmanuel?” tanong ngayon ni Tobias sa doktor. “Oo naman Isaac—what made you think na hindi tuloy iyon gayong nandito ka na sa Maynila? Just tell