Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa maliit na alitaptap na bumungad sa akin. Ito ang natatanging ilaw sa madilim na kwartong aking kinalalagyan ngayon. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga upang mahawakan ang alitaptap na ito. Ngunit natigilan ako at napahawak sa aking ulo nang makarinig ng pagkalakas-lakas at nakakarinding siren mula sa likuran ng pintuan ng kwartong aking kinalalagyan. Ang alitaptap na ibig kong hawakan kanina ay lumipad palayo sa akin patungo sa maliit na butas mayroon ang pintuan. Napatikom ako ng aking kamao at pilit na tumayo kahit pa na pakiramdam ko ay sasabog na ang aking ulo dahil sa nakakarinding siren. Unti-unti akong naglak