“Kuhanan niyo na siya ng dugo,” utos ni Emmanuel sa mga kasama niyang doktor ngayon sa loob ng kwarto kung saan nakatali na sa kama si Helda. “H—huwag! Huwag niyo akong hahawakan!” sunod-sunod na bulalas ni Helda na siya ngang nagpupumilit ngayong kumawala sa pagkakatali sa kaniya habang unti-unting palapit na sa kaniya ang tatlong doktor na siyang kukuha ng dugo niya. “At ikaw naman Zane, kailangan nating mag-usap sa labas,” baling nga ni Emmanuel sa binata na bakas nga ngayon ang konsensya sa kaniyang mukha dahil sa awang nararamdaman niya ngayon para kay Helda. “Zane?!” bulalas nga ni Emmanuel nang hindi ito sumunod sa kaniya palabas. At dahilan nga ang sigaw nito upang tuluyang matauhan si Zane at tulirong sumunod sa doktor.