“Pakawalan mo ako rito!” hindi magkamayaw na sigaw ni Helda na kasalukuyang nakatali ngayon ang magkabilaan niyang mga kamay at paa. Unti-unting napabuntong hininga ang lalaking nagdala sa kaniya rito sa bahay panuluyan. Ngayon ay nasa tapat ito ng pintuan ng kwartong kinalalagyan ni Helda. Hindi niya magawang pumasok ngayon sa kwarto upang harapin si Helda dahil sa kahihiyan na dulot nito sa kaniya. “Parangawa mo na, pakawalan mo ako rito!” sunod pa ngang sigaw ni Helda na siyang dahilan upang mapapikit saglit ang lalaki bago tuluyang magpasya na buksan ang pintuan at pumasok sa kwarto. Natigilan nga sa walang tigil na kakasigaw ang dalaga nang makita ang lalaking dumukot sa kaniya na kasalukuyan ngayong palapit sa kin