Isang Linggo ang Nakalipas… “Kuya Tobias, may mga paparating pong pasyente sa labas,” tawag ngayon ni Jonas sa kaniyang kuya na agaran ngang napaalis ng kaniyang suot-suot na stethoscope. “Lo, aalis muna ho ako saglit ha? Inumin niyo nalang ho muna itong gamot niyo sa ubo at babalikan ko ho kayo mamaya,” paalam nga ngayon ni Tobias sa matandang lalaki na siya niyang tinitignan ng hininga kanina. Tumango naman ang matanda bilang sagot na siya ngang dahilan upang agad-agad na sumunod ngayon ang binata sa kaniyang kapatid. “T—teka Jonas, bakit ba narito ka? Hindi ba sinabi ko sa iyo kahapon na hindi ka pwedeng sumali sa amin dito dahil baka ikaw ay mahawa lang,” saad nga ngayon ni Tobias sa kaniyang kapatid bago pa man nito tuluyang pagbuksan ng pintuan ang kaniyang kuya. “Kuya, masy