Bauan, Batangas ~1945~ Kasalukuyang nasa munisipyo ng bayan ng Bauan sina Helda at Mary na pareho ngayong nasa harap ng babaeng nagbabantay sa Munisipyo. “Ano ang inyong sadya rito mga iha?” “Narito po sana kami upang hingiin ang impormasyon patungkol kay Maura Reyes,” sagot ni Mary sa babae at sa hindi malamang dahilan ay napakamot nga ito ng kaniyang ulo nang marinig ang pangalan na iyon. “Maura Reyes na naman?” iritableng tanong ng babae dahilan upang kapwa magtaka ngayon ang dalawa. “Bakit ho? May naghanap na rin ho ba sa pangalan na ito?” sunod-sunod ngang tanong ngayon ni Helda dahilan upang matigilan ang babae at tignan isa-isa ang mga dalaga kasabay ng pagpasok ng ala-ala sa kaniyang isipan. May nakatutok ngayong dalawang baril sa ulo ng babaeng nagbabantay sa munisipyo h