Kabanata 4 |Natatagong Lihim|

1353 Words
Pilipinas ~ Enero 10, 1944~ “Doktor James, what are you doing here?” Halos maistatwa ngayon si Enrico sa kaniyang kinatatayuan nang salubungin siya ng isang nars mula sa pagamutan. Nakasuot na ito ng unipormeng pang-doktor at kakalabas lamang ng kotse kung saan naroon ngayon si Tobias na natigilan sa paglabas nang dahil sa nars na hindi inaakalang sasalubong sa pagdating ng sasakyan na sinakyan nila. “N—nurse Jennifer I think, I should be the one who is asking you that question,” pambabaling ni Enrico sa usapan na siya ngang pasimpleng humarang sa katapat na bintana ni Tobias upang hindi siya makita at mahuli ng nurse. “What are you doing here? You are on duty right?” Natigilan at napalunok ang nars na kalaunan ay unti-unting napatango sa doktor. Tumalikod na ito at lumuob sa loob ng pagamutan dahilan upang tila mabunutan ngayon ng tinik si Enrico. “Tobias, bumaba ka na riyan,” saad ni Enrico matapos katukin ang katapat na bintana ni Tobias dahilan upang dali-dali itong bumaba at patakbong pumunta sa likuran ng pagamutan upang doon dumaan. Kasabay non ay ang paglakad din ngayon ni Enrico paloob ng pagamutan papunta sa bungad nito kung saan naroon ang head nars ng pagamutan. “Doktor James, napaaga ata ang dating natin ha?” bungad sa kaniya ng matandang nars na siyang nginitian ngayon ni James habang pasulyap-sulyap na tinitignan ang pagpasok ni Tobias mula sa likod. “Nais ko lamang po sanang tignan ang kalagayan ng mga hinahawakan kong pasyente dahil halos dalawang araw rin po akong humingi ng pahinga mula sa trabaho,” sagot nito na siya ngang dahilan mapatango ang matanda at ibigay ngayon ang isang ID at mga susi ng kwarto kay James. ID na siyang nagpapatunay na isang doktor sa pagamutang ito. At ang mga susi ng mga kwarto ng mga pasyenteng binabantayan niya. “Kung gayon ay tiyak akong hindi ka na makikilala ng iba roon,” pabiro ngang saad ng matandanda. Kinuha na nga ni James ang kaniyang ID, “Maraming Salamat ho.” “Sige na, puntahan mo na sila lalong lalo na ‘yong room 7 na halos dalawang araw din ayaw magpaistorbo sa kwarto niya.” _________________________           Pagbukas ni Enrico sa pintuan ng room 7 ay agad na bumungad sa kaniya si Tobias na kasalukuyan na ngang nakaupo sa kama habang suot-suot ang damit pampasyente.           “Medyo kinabahon ako roon kanina ha,” saad ngayon ni Enrico na siyang naupo sa tabi ni Tobias.           “Tumatakbo ang oras at marami na ring nasayang na oras upang magpalagpas muli ako,” saad ngayon ni Tobias na unti-unting ibinaling ang tingin kay Enrico habang hawak-hawak ng dalawa niyang kamay ang makapal na dokumento. “K—kailangan ko na siyang makausap upang linawin ang natuklasan ko mula rito.”           Unti-unting tumango si Enrico at kinuha ang isang susi mula sa bulsa ng kaniyang lab gown. Iniabot niya ito kay Tobias na siya rin naman niyang akmang kukunin na agad ngunit hindi niya ito agad nakuha nang higpitan ni Enrico ang hawak sa susi nang saktong mahawakan niya ito.           Tumingin ng diretso si Enrico sa mga mata ni Tobias habang hindi pa rin pinapakawalan ang susi, “Ngunit kailangan mo munang ipangako sa akin Tobias na hinding-hindi mo muli gagawin sa kaniya ang ginawa mo noong nakaraang araw.”           “Tobias, bitawan mo siya!” bulalas ni Enrico nang biglaan na lamang sakalin ni Tobias ang matandang babae na pasyente rin sa pagamutan.           Ngunit hindi lamang siya pinansin ni Tobias na mas hinigpitan pa ang hawak sa leeg ng matanda.           “Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin mga nalalaman mo? Ang mga bagay patungkol sa pamilya mo at sa hayop mong apo?!”           “Nagagalit ka? Kung tutuusin ay kulang pa ang ginawa ng aking apo sa pamilya mo!” sigaw ng matanda sa kaniya dahilan upang mas mainis si Tobias at akmang mas hihigpitan pa nga ang pagkakasakal sa matanda ngunit agad nang nakalapit sa kanila si Enrico na pwersahang inalis ang kamay ni Tobias mula sa leeg ng matandang pasyente.           “Tobias, kumalma ka nga! Hindi solusyon ang p*******t upang makuha mo ang gusto mong kunin sa kaniya. Kailan man ay hindi ito naging solusyon Tobias.”           “Tobias, nagkakalinawan ba tayo?” tawag muli ni Enrico kay Tobias dahilan upang makuha niya ang atensyon na saglit na natulala kanina. “Hindi ako pumarito sa Pilipinas upang tulungan kang masagot ang mga katanungan mo sa paraang dahas bagkus ay naparito ako upang tulungan ka sa paraan na alam kong tama.”           Napabuntong hininga si Tobias bago pa man tanguan si Enrico bilang sagot sa naging katanungan nito.           “Mas hahabaan ko na ang pasensya ko at kung sakali man na hindi pa rin niya sabihin ang mga impormasyon na hinahanap ko ay hinding-hindi ko ulit ibubuntong ang inis ko sa dahas.”           “M—mabuti kung gayon Tobias,” saad ngayon ni Enrico na unti-unti nang binitawan ang susi. _________________________           Nasa tapat na ng room 10 sina Tobias at Enrico. O ang kwarto kung saan naroon ang matandang babae na pinag-uusapan nila kanina.           Unti-unting napabuntong hininga si Tobias at tiyaka na tuluyang binuksan ang pintuan ng kwarto.           Naroon nakahiga ang isang matandang babae na kasalukuyang mulat ang mata at nasa bintana ang buong atensyon. Patuloy ang pagluha nito habang yakap-yakap ang isang lumang unan at habang binabanggit ang isang pangalan.           “M—manuelito anak, patawarin mo ako anak,” paulit-ulit nitong sinasambit habang patuloy pa rin ang pagluha.           “Marites?” tawag ngayon ni Enrico sa matanda na siyang nauna nang humakbang paloob at nilapitan ang matanda.           “M—manuelito? Ikaw ba ‘yan anak?” sunod-sunod na tanong ng matanda na agarang napabangon mula sa pagkakahiga ngunit agad din nadismaya nang makita na si Enrico ito at ang kasama niyang lalaki na halos isang buwan na rin siyang araw-araw na dinadalaw upang tanungin ang mga personal na katanungan patungkol sa kaniyang anak at apo.           “Anong ginagawa niyo rito ha?!” agad na bulalas ng matanda nang makita si Tobias na ngayon ngay pinandidilatan ito habang nanlilisik ang mata dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon sa binata.           “Sasakalin mo na naman ba ako?! Pwes, ako na mismo ang unang sasakal sa iyo sa pagkakataon na ito!”           “Marites, huminahon ka,” agarang saad ni Enrico na siya ngang pinigilan ang matanda sa akma nitong pagtayo at pagsugod kay Tobias. “Naparito kami upang tanungin ka.”           “Tanungin ng ano? Patungkol na naman sa aking pamilya?!” sunod-sunod na bulalas nito na siyang ibinaling ang tingin kay Tobias. “Kahit ilang balik ang gawin mo rito ay walang-wala kang makukuha sa akin!”           “Kahit pa na mayroon ito?”           Unti-unting naglakad ngayon si Tobias palapit sa matanda habang hawak-hawak ngayon ang dokumento.           Natigilan ang matanda at nalalaki ngayon ang kaniyang mga mata nang dahil sa gulat na makitang muli ang bagay na iyon.           “Naaala niyo po ba ang dokumentong ito?” tanong ngayon ni Tobias na siyang inilapit kaonti sa matanda ang dokumento           “Saan mo nakuha iyan?! Hindi sa iyo iyan, ibigay mo ito sa akin!” sunod-sunod na bulalas ni Marites na nagpumilit na kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Enrico.           “Ibibigay ko po ito sa inyo kung sasabihin niyo sa akin ang kaugnayan ng inyong anak sa aking papá,” sagot sa kaniya ni Tobias na inilayo nga ang dokumento mula rito.           “Talagang nais mong malaman kung anong katrayduran ang ginawa ng iyong ama sa aking anak?” walang kurap na tanong ngayon ng matanda kay Tobias dahilan upang matigilan ito ngayon at kunot noong tinignan ang matanda.           “A—ano pong ibig niyo sabihin?”           Hinawakan ng matanda ang pulso ni Tobias upang ilapit ito sa kaniya kasabay ng kaniyang pagngisi.           Lumapit ang matanda sa tenga ni Tobias upang ibulong dito ang kasagutang inaantay ng binata.           “Pinatay ni Doktor Adam Kley ang aking anak,” usal ng matanda na siyang tuluyang ikinalaki ng mata ni Tobias nang dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD