Kabanata 17 |Ang Plano|

1120 Words
Pilipinas ~ Oktubre 6, 1943~ Kasalukuyang bumabyahe ngayon ang anim papunta sa Norte o sa Pangasinan kung saan naroon ang ika-apat na pu't limang ospital na ipinatayo ni Doctor Willson Morgan o ang kilalang doktor na nagtatag ng Willson Research Institute. “Pagdating natin doon ay hindi muna tayo didiretso sa ospital bagkus ay mainam na mag-imbestiga muna tayo at siguraduhing naroon nga si Doktor Hans,” saad ni Emmanuel na kasama ngayon sina Zane at Helda habang sa kabilang sasakyan naroon sina Mary, Tobias at Bernard na siyang nakasunod sa kanila ngayon. “Kung gayon ay saan tayo pansamantalang mananatili Doktor Emmanuel?” tanong ni Helda na siyang hindi naman sinagot agad ni Emmanuel bagkus ay ibinaling nito ang kaniyang tingin kay Zane na siyang kasalukuyang nagmamaneho ngayon ng sasakyang sinasakyan nila. “Kina Zane muna tayo tutuloy pansamantala,” kalaunan ay sumagot na nga si Emmanuel na siyang nagpakunot ng tuluyan sa noo ni Helda. “Z—zane?” nagtatakang tanong ni Helda na siyang unti-unti ring ibinaling ang tingin sa katabi niya. “Taga-Pangasinan ka Zane?” Dahilan nga ang katanungan ng dalaga upang unti-unting tumango si Zane bilang sagot sa dalaga. “Kung gayon ay maipapakilala mo na kami sa iyong mga magulang?” nakangiting tanong ni Helda ngunit natigilan nga ito nang makita ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha ni Zane nang marinig ang katanungang yaon mula kay Helda. Ngunit bago pa man nga muling magtanong si Helda dahil sa pagtataka niya sa pananahimik ni Zane ay natigilan ito nang tumikhim na si Emmanuel mula sa likuran nila. “Helda, mas mabuti nalang sigurong huwag tayong magtanong ng mga bagay na personal,” saad ni Emmanuel na siyang ipinaalala nga kay Helda ang isa sa mga nirerespeto nilang panuntunan sa grupo. Kung saan ay ni isa sa kanila ay hindi obligadong sabihin ang ano mang bagay na personal patungkol sa kanilang mga buhay at kasama na nga roon ang rason kung bakit sila sumali sa grupong Telos. Ngunit ang tanging bagay lamang na alam nila patungkol dito ay ang magkakapareho silang may sari-sariling motibo na pabagsakin ang institusyon ni Doktor Willson. “Patawad,” sambit ni Helda na siyang ibinaling na ang tingin sa bintana. Kahit pa na si Zane ang maituturing na pinakamalapit sa kaniya sa grupo ay ni hindi nito alam ang kahit na anong impormasyon patungkol sa buhay nito dahil bukod sa hindi naman nito obligasyon na sabihin sa dalaga ang patungkol sa buhay niya ay masyado rin siyang pribado patungkol sa kaniyang personal na buhay. _________________________ Makalipas ang ilang oras ay unti-unti nang tumigil ang dalawang sasakyang sinasakyan ng grupo sa isang hindi kalakihan ngunit hindi rin kaliitang bahay na kung titignan ay tila   matagal nang hindi natitirhan. “Pagpasensyahan niyo na kung maliit lamang ito at tila hindi na rin nalilinisan ang bahay,” saad ni Zane nang mabuksan na ang bahay na halos limang taon na rin nang huli siyang nakatapak dito. “Ayos lamang ito Zane, ang imporatante ay may pansamantala tayong matitirhan habang nag-iimbestiga,” saad ni Bernard na siya ngang ibinaba na ang hawak niyang bag kung saan naroon ang mga kagamitan nila. “Mabuti pa at umpisahan na natin ang pagpaplano kung paano tayo makakapasok sa loob ng pagamutan,” suhesyon ni Mary na siya ngang agad na ibinagsak ang katawan sa sofa at doon ngay ibinaling ang tingin kay Emmanuel na siya rin namang tinanguan siya bilang pagsang-ayon. “Hahatiin natin sa tatlo ang grupo,” panimula ni Emmanuel dahilan upang maupo na rin ang apat sa sofa habang nasa harap nila ngayon si Emmanuel. “Ang unang grupo ay sina Bernard at Helda,” patuloy ni Emmanuel dahilan upang sabay na mapatango ang dalawa. “Kayo ang siyang mag-iimbestiga sa bawat galaw na gagawin ni Doktor George sa oras ng pagsasagawa ng plano. Bukas ang siyang pagsasagawa ng plano kung saan ay wala sa ospital ang Doktor at kasama ang mga tauhan ni Doktor Willson sa pagdalo sa isang kaarawan ng kaibigan nitong Professor sa Dagupan.” Paliwanag nga ni Emmanuel na siyang nakuha ang lahat-lahat ng impormasyong ito sa pamamagitan ng paglinlang sa nars na may hawak ng lahat ng nakatalang gagawin ni Doktor George sa susunod na mga araw. Kinailangan pa nga nitong ilabas ang nars sa isang mala-romantikong hapunan para lamang sekretong makuha ang mga impormasyong kakailanganin nila. At dahil sanay na siya sa mga ganitong kaparaanan ay naging madali na lamang para sa kaniya na gawin ito bago pa man sila bumyahe papuntang Pangasinan. “Ang pangalawang grupo naman ay sina Mary at Tobias na siyang nakatakdang magbabantay sa labas ng pagamutan habang kami ni Bernard ang siyang papasok dito para kumpirmahing naroon nga ang Doktor Hans,” sambit muli ni Emmanuel na siya rin namang tinanguan ng dalawa. “At kung makumpirmang narito nga ang kapatid ko?” katunungan ni Tobias na walang kurap ngang inaantay ang sagot ngayon ni Emmanuel na siya rin namang kasalukuyang ginagawa ng apat na siyang nakabaling ngayon buong atensyon nila kay Emmanuel. “Kung sakaling makumpirma nga ay isusunod natin ang susunod na plano,” saad ni Emmanuel na siyang may inilabas na pitong tiket mula sa kaniyang leather na bag. “Ang planong pagtakas kay Doktor Hans mula sa kamay ng institusyon papunta sa bansang Croatia upang mailayo natin siya pansamantala mula sa kanila at kung sakali ay doon din natin siya susubukang gamutin at ibalik sa tama ang pag-iisip niya.” “Ang ibig mo bang sabihin ay hindi muna natin gagawin ang pagpapabagsak sa institusyon? Paano kung sakaling makuha na natin mula kay Doktor Hans ang mga dokumentong magpapalaglag kina Doktor Willson?” kunot noong katanungan ni Mary na siyang tinanguan din naman nila Bernard at Zane bilang parehas din sila ng katanungan mula sa binuong plano ni Emmanuel. “Gayon na nga, dahil hindi tayo nakakasigurong sasabihin sa atin ni Doktor Hans agad-agad ang impormasyong hihingiin natin sa kaniya,” sagot ni Emmanuel na siyang ibinaling ang tingin kay Tobias. “Batay sa mga naranasan ko sa mga pagkakataong wala ako sa tamang pag-iisip ay hinding-hindi niyo ako makakausap ng maayos at gayon din ang siyang inaasahan kong mangyari sa oras na makaharap natin ang kuya ko. Kaya’t ako ang siyang nag-utos kay Emmanuel na bumili ng tiket papunta sa bansang walang masyadong tao at walang koneksyon sa institusyon. Bilang bansang tatakbuhan natin sa oras na itakas natin ang kuya at habulin tayo ng mga tauhan ng institusyon,” paliwanag ni Tobias na siya pa lang nasa likod ng mga planong binanggit ni Emmanuel na siya ngang nagpasyang kausapin ang lider ng grupo kagabi upang ipagbigay-alam dito ang saloobin niya patungkol sa gagawin nilang misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD