Kabanata 16 |Pagpapanggap|

1302 Words
Pilipinas ~ Septyembre 25, 1943~ “Doktor Elvis George ang pangalan ng kasalukuyang doktor na may hawak sa kapatid ni Tobias ngunit nang puntahan namin siya sa pinagtratrabahuan niyang ospital ay hindi na namin sila nadatnan doon at nasabi nga sa amin na inilipat nila sa ibang ospital ang kapatid ni Tobias,” paliwanag ni Mary kay Emmanuel nang makarating na silang muli sa Pilipinas at ito nga ang siyang nagsundo sa kanila. “Kung gayon ay nakita niyo ba ang lugar kung saan siya inilipat?” tanong ni Emmanuel na siya ngang inilingan ng dalawa. “Hindi namin nakita ngunit ang nalaman lang namin ay ang pag-uwi ni Doktor George dito sa Pilipinas sa susunod na mga araw ngunit ang sigurado rito ay hindi niya kasama si Hans bagkus ay mag-isa lamang siyang paparito kasama ang iba pang doktor para”—sagot ni Bernard na sabay ibinaling ang tingin niya kay Tobias—“gawin ang misyon na paghuli kina Tobias.” “Kung gayon ay kailangan nating mag-ingat sa paglapit kay Doktor George para makakuha ng impormasyon—,” saad ngayon ni Emmanuel na siyang natigilan nga nang biglang nagsalita si Tobias “Magpapahuli ako.” Halos sabay-sabay ngayon nabaling ang atensyon ng tatlo kay Tobias dahil sa sinabi nito. “Ano? Magpapahuli ka? Nagbibiro ka ba Tobias?” sunod-sunod ngayong tanong ni Bernard na inakala nga talagang nagbibiro si Tobias dahil sa natatawa nitong ekspresyon. “Hindi siya nagbibiro at mainam na nauna kong marinig ito sa iyo dahil yaon din ang plinaplano kong gawin natin,” saad naman ni Mary dahilan upang kunot noo siyang tignan ngayon ni Bernard. “Magpapahuli si Tobias upang mas mapadali ang pagkuha natin ng impormasyon mula kay Doktor George at sa oras na makuha na natin ang impormasyon ay maaari na muling tumakas si Tobias mula sa kamay ng institusyon,” patuloy pa nga ni Mary na tinanguan din naman ni Emmanuel. _________________________ Kasalukuyang nakauwi na ang apat sa abandunadong bahay na tinutuluyan ng buong grupo. At narito na silang lahat sa kusina ng bahay kasama na sina Zane at Helda na siyang kagagaling sa byahe papunta sa Visayas upang bisitahin sina Manang Selma. “Dalawang tao ang siyang sasama kay Tobias para sa isasagawang plano,” panimula ngayon ni Emmanuel na siyang nasa harap nilang lahat at kasalukuyang nagsusulat sa isang malaking pisarang kaharap nila. “Una ay ang magpapanggap na pasyente upang maging mata natin sa loob ng ospital na pagpapasukan kay Tobias.” “At sino naman ang magpapanggap na pasyente kuya Emmanuel?” tanong ngayon ni Helda. “Ikaw ang siyang magpapanggap na pasyente,” sagot sa kaniya nito. “Hindi ka kakilala ng institusyon kaya’t mas ligtas kung ikaw ang sasama kay Tobias sa pagpasok sa ospital.” “Kung papasok kami sa ospital na ‘yon ay paniguradong kung ano-ano ang isasaksak nila sa amin na kagamutan,” daing naman ngayon ni Helda na siya rin namang tinanguan nila Bernard at Zane. “At diyan na nga papasok ang isa pang makakasama niyo ni Tobias,” sagot ni Emmanuel. “Si Mary ang isa niyong makakasama. Papasok siya bilang isang bagong doktor at siya ang maninigurong mga placebong (pekeng) gamot lamang ang matatanggap niyo ni Tobias.” ~ Oktubre 5, 1943~ Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting itinigil ni Mary ang sasakyan sa isang abandunandong bahay kung saan may isang sasakyan ang nakaparke rito. Agarang bumaba ang tatlo mula sa sasakyan at sunod ngang naglakad ang mga ito papasok ng bahay habang pinagmamasdan ang kanilang paligid at sinisigurong walang nakasunod sa kanila. “Mabuti naman at nakaalis kayo roon ng maayos,” bungad ni Emmanuel sa tatlo na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang humihigop ng kaniyang tsaa. “Nakuha mo ba Tobias?” sunod na tanong ni Emmanuel na dahilan upang mapatango si Tobias at tinanguan nga si Bernard upang ibigay na ang kapirasong papel kay Emmanuel. Unti-unti ngang binuklat ni Emmanuel ang papel matapos niyang ibaba ang hawak niyang isang tasa ng tsaa. “S—san Fabian? Narito sa Pilipinas si Doktor Hans?” gulat na tanong ni Emmanuel na siyang agad na tinanguan ni Tobias na sinundan nga si Mary sa pag-upo sa sofa. “Nakuha ang impormasyon na ‘yan kay Doktor George na siyang bumisita sa akin kahapon,” saad ni Tobias. “Pinagpanggap ko si Helda na nagwawala upang mapunta ang atensyon nila sa kabilang kwarto at sa pagkakataong yaon tinignan ni Tobias ang mga dokumentong naiwan ng doktor sa kwarto niya,” saad naman ni Mary na isa sa mga tumulong upang mapagtagumpayan ang plano. Inalis na nga nito ang suot niyang lab coat bago pa man kumuha ng tasa at kinargahan ito ng kaparehong tsaa na iniinom ni Emmanuel. “Ginoong Tobias! Ate Mary? Nakarating na ba kayo?” sunod-sunod ngang bulalas ni Helda mula sa labas na kakarating lang ngayon kasama si Zane na siyang nagtakas sa kaniya sa ospital. At nang mabuksan nga nito ang pintuan ng bahay ay agad ngang tumambad sa kaniya sila Tobias dahilan upang mapangiti siya ng tuluyan. “Mabuti at nakaligtas k—kayo,” saad ni Helda na siyang kamuntikan na ngang nawalan ng balanse habang naglalakad papunta sa apat. Mabuti na lamang at agad siyang nasalo ni Zane naalalayan nito. “A—anong nangyari sa kaniya?” nagtatakang tanong ngayon ni Emmanuel kay Mary na kakatapos lang humigop ng tsaa. “Pinainom ko siya ng codeine concoction (which is an opiate, produces a feeling of euphoria) upang mas magampanan niya ang pagpapanggap,” sagot ni Mary dahilan upang manlaki ang mga mata nila sa gulat. “Mary!” bulalas nga ni Bernard na dali-daling tumayo para tumulong na rin sa pag-alalay kay Helda paupo ng sofa. “Kailangan kong gawin ‘yon para maging kapanipaniwala ang lahat-lahat. At tiyaka wala naman kayong dapat ipagalala dahil mawawala rin ang epekto ng gamot maya-maya,” paniniguro nga ni Mary na muli’t muling humigop ng kaniyang hawak na tsaa. “Tama ate Mary! At tiyaka nagpapasalamat kaya ako sa kaniya dahil ngayon ko nalang ulit naranasan na maging ganito kasaya!” sunod-sunod ngang bulalas pa ni Helda na siyang hindi mawala ang ngiti habang nakatingin sa kisame kung saan doon ay nakikita niya ang sarili niyang nakaupo sa isang bahaghari habang napapalibutan siya ng mga ulap. “Oh, siya, mabuti nalang sigurong bukas nalang natin ipagpatuloy ang lahat dahil mukhang kailangan niyo na lang din magpahinga,” saad nga ni Emmanuel na siyang tumayo na nga sa pagkakaupo niya. At sinundan din naman nga siya nila Bernard at Mary na kapwa-kapwang pumunta na sa kanilang mga kwarto. At naiwan naman nga ngayon si Tobias na siyang tinulungan nga si Zane sa paghahatid kay Helda sa kaniyang kwarto. “Teka lang kuya Tobias,” tigil ni Zane sa binata nang akmang pupunta na ito sa kaniyang kwarto matapos nilang maihatid si Helda sa kaniyang kwarto. “Nahanap niyo na ba ang lugar kung saan naroon ang iyong kapatid?” tanong ni Zane dito na siyang hindi pa nga nalalaman ang patungkol dito dahil sa pagkahuli nila ni Helda kanina. Tumango nga si Tobias bilang sagot. “Sa San Fabian naroon ang aking kuya.” Ngunit napakunot ngayon ng noo si Tobias nang makitang parang gulat na gulat si Zane nang marinig ang kasagutan nito. “S—san Fabian? Sa Pangasinan?” sunod-sunod ngayong tanong ni Zane na siyang muli’t muling tinanguan ni Tobias na mas nagtaka pa dahil tila ba natulala at mas nagulat pa si Zane nang kumpiramahing muli niya ang lugar kung saan naroon si Hans. “M—may problema ba Zane?” nagtatakang tanong ni Tobias na siyang inilingan ni Zane. “W—wala naman kuya Tobias.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD