Nueva Ecija, 1950 “Dok Isaac, narito na ho tayo.” Agad na iminulat ni Tobias ang kaniyang mga mata nang marinig nito ang paggising sa kaniya ni Manong Caloy. Bumungad sa katabing bintana niya ang isang dalawang palapag na gusali na medyo may kalumaan na. “Narito na po tayo sa Muñoz dok,” sambit muli ng matanda dahilan upang tumango si Tobias at marahan ngang lumabas na sa kotse dahilan upang makita niyang mas malinaw ang itsura ng gusali na tila ba pamilyar sa kaniya at hindi nga ito ang unang pagkakataon na masilayan niya ito. “Ako nalang ho ang papasok sa loob Manong Caloy,” bilin nito sa matanda na siya ngang naglakad na papasok sa gusali kung saan naroon ang samu’t saring pag-aaral sa agham ng mga kilalang eksperto sa bansa. “Magandang Hapon ho sir, ano pong sadya natin?” bung