Hindi ako pwedeng magkamali. Nasisiguro kong ikaw iyan Tobias at natitiyak ko ngang may kinalaman sina Doktor Willson Morgan kung bakit tila wala kang maalala sa iyong tunay na katauhan Nang matauhang tuluyan si Mary ay agad itong napabuntong hininga at madaliang pumara ng jeep upang masundan ang sasakyang sinakyan ng lalaking kamukha ni Tobias. Walang kurap ngayong nakatingin si Mary sa harapan ng jeep upang masigurong hindi mawala ang sasakyang sinusundan niya. Natigilan lamang ang sasakyan nang nasa tapat na sila ng Muñoz Research Center na siyang hudyat ni Mary na magpara na sa jeep malapit pa lang sila sa Research Center. Maingat na sinundan ni Mary ang lalaking kamukha ni Tobias nang makasigurong hindi siya mapansin nito at mapaghinalaan. “Magandang Hapon ho sir, ano pong sa