Kabanata 7 |Ang Paghaharap|

1556 Words
Pilipinas ~ Enero 10, 1944~           “P—posible kayang ang papá talaga ang pumatay sa Doktor Manuelito Valenzuela?”           “Tobias!”           Ibinaling ng dalawa ang tingin nila sa likuran ni Tobias nang marinig ang pagsigaw ni Enrico na nagmamadali ngayong lumapit kay Tobias.           “A—anong problema Enrico?” kunot noong tanong ngayon ni Tobias.           “Nakita ko ang pagdating ni Doktor Emmanuel sa ibaba, at kung hindi ako nagkakamali ay papunta na siya ngayon dito,” tarantang tugon nito dahilan upang halos pareho ngayong matigilan sina Tobias at Mary.           “Hindi niya tayo pwedeng makita rito Tobias—“           “M—mary?”           Ngunit huli na nga ang lahat-lahat nang tuluyan nang nakataas sa ikalawang palapag sil Emmanuel kasalukuyang nakakunot ang noo at unti-unting nanlaki ang mata nang makita si Tobias.           “T—tobias? Anong ginagawa niyo rito?” marahang tanong nito na siyang unti-unti na ngayong naglalakad palapit sa kinaroroonan ng tatlo.           Nagtinginan si Enrico at Tobias na parehong hindi inaasahan ang pagdating ni Emmanuel. Hindi tulad ni Mary na kalmado lang ngayon at walang kurap na nakatingin kay Emmanuel.           “Hindi ba dapat kami ang magtanong sa iyon niyan?” sarkastikong tanong ni Mary dahilan upang matigilan ngayon si Emmanuel na kasalukuyang dalawang metro na lamang ang layo sa kanila.           Hindi nito sinagot ang tanong ni Mary bagkus ay ibinaling nito ang kaniyang tingin sa dokumentong hawak-hawak ngayon ni Tobias.           Agad naman napansin ito ni Tobias dahilan upang agad niyang itago ito sa kaniyang likuran.           “Sinundan ko kayo dahil sa paghihinalang may nililihim kayong dalawa sa akin,” sagot ngayon ni Emmanuel na ibinaling nga ang tingin kay Mary. “At mukhang tama nga ang hinala ko na tila ba gumagalaw kayo at gumagawa ng desisyon habang hindi niyo ito pinapaalam sa grupo.”           Nang dahil sa sagot nito ay hindi na tuluyang napigilan pa ni Mary ang kaniyang pagngisi dahil malinaw sa kaniya ang pagsisinungaling ni Emmanuel. Kapwa nila alam ni Tobias ang pakay nito sa pagamutan kaya’t kahit na anong pagkukunwaring gawin nito ngayon ay malabong maniwala na ang dalawa sa kaniya.           “Sinundan mo kami?” panganglaro ni Mary na siyang nakangisi pa rin nga ngayon dahilan upang nagtatakang tumango si Emmanuel.           “Nakita ko ang palihim niyong paglabas sa bahay gamit ang iyong sasakyan—“           “Hindi kami sabay na pumunta rito ni Mary,” pambabasag ni Tobias sa kasinungalingan nais na ipantakip ni Emmanuel sa kaniyang kasinungalingan.           Natigilan ng husto si Emmanuel habang walang kurap ngayon nakatingin sa mga mata ni Tobias.           “Hindi kami ang may lihim Emmanuel,” pakli ni Mary habang unti-unti ngayong lumalapit kay Emmanuel. “Bagkus ay ikaw Doktor Emmanuel Valenzuela.”           Kasabay ng pagbanggit nito sa buong pangalan ni Emmanuel ay ang pagtutuktok niya ng baril diretso sa ulo ng binata.           Tumango ngayon si Emmanuel ng ilang beses kasabay ng unti-unti niyang pagngisi at paglabas ng isang baril mula sa kaniyang tagiliran.           “At ano? Papatayin niyo ako?” tugon ngayon ni Emmanuel na siyang inilabas pa ang isang baril at ito naman ang pinantutok niya kay Tobias na may hawak na ring baril ngayon.           “Baka nakakalimutan mo Tobias na hawak ko ang mga kapatid mo. Oo, mga, dahil maging ang katulad mong baliw na kapatid ay hawak ko na rin sa ulo!” bulalas ngayon nito na siyang dahilan upang matigilan at maistatwa ngayon si Tobias.           “H—hayop ka!” bulalas ni Tobias na siya ngang ikinasa na ang baril na hawak niya.  “Hindi pa ba sapat na pinatay mo na ang isa sa amin? Kulang pa ba sa paghihiganti mo ang patayin mo ang isa kong kapatid?!”           “Hindi lamang ang buhay ng aking ama ang nasira nang dahil sa krimen na ginawa ng iyong tatay,” pailing-iling na tugon ngayon ni Emmanuel. “Kundi buong pamilya ko Tobias! Sinira ng tatay mo ang pamilya namin kaya sisirain ko rin ang pamilyang iniwan ng hayop mong tatay!”           “Hindi ako naniniwalang gagawin iyon ng aking papá,” pakli ni Tobias. “Hindi niya magagawang pumatay tulad ng ibinibintang niyo sa kaniya!”           “Siya at ang aking ama lang ang nasa kwartong iyon ng oras na namatay siya,” saad ni Emmanuel na nanlilisik na ang mga mata ngayon dahil sa galit na kaniyang nararamdaman nang maalala ang araw na namatay ang kaniyang ama sa sarili nitong opisina habang may hawak na baril si Doktor Adam Kley sa kaniyang kamay. “Pinatay niya ang aking ama dahil sa kasakiman niya!”           “Nagawa niyong ibintang sa kaniya ito ng hindi man lang kayo nag-iimbestiga?” tanong ngayon ni Mary.           “Huwag kang mangingialam dito Mary!”           “Emmanuel, hindi niyo man lang ba naisip na maaaring pinatay niya rin lang ang kaniyang sarili dahil sa aking pag-iimbestiga ay napag-alaman kong may hawak din na baril si Don Manuelito—“           “Sabing tumahimik ka!”           Isang putok ng baril nga ang umalingawngaw sa buong pagamutan nang iputok ni Emmanuel ang kaniyang baril patungo sa kisame.           “Kung nais mong makita pa ang iyong pamilya Tobias ay ibigay mo sa akin ang dokumentong hawak mo,” saad ngayon ni Emmanuel na muli ngang itinutok kay Mary ang ipinutok niyang baril kanina. “Matatapos ang lahat-lahat kung ibibigay mo sa akin ang bagay na ninakaw ng iyong ama mula sa aking ama!”           “Hinding-hindi ko maibibigay sa iyo ang bagay na hinihingi mo—“           “Kahit pa na makita mo ahora mismo ang mga kapatid mo?”           “A—anong ibig mong sabihin?”           “Ilabas niyo na sila!”           Sa hagdan na pababa ng ikalawang palapag ay sunod-sunod na lumabas ang mga lalaking nakasuot ng puting amerikana at slacks habang hawak-hawak ngayon sina Hans, Jonas, Manang Selma, at Teresita.           “K—kuya Tobias?” nauutal na tawag ni Jonas sa kaniyang kapatid na paika-ikang naglalakd ngayon habang hila-hila ng isa sa mga tauhan ni Emmanuel.           Samantalang si Manang Selma naman ay kapareho ni Teresita na hindi ngayong makapagsalita dahil sa sakit na dala ng mga sugat nila sa katawan.           Unti-unting naistatwa si Tobias sa kaniyang kinatatayuan nang makitang nakatutok ngayon ang mga baril ng mga lalaki sa ulo ng kaniyang pamilya.           “J—jonas!”           “Kung hindi mo ibibigay sa akin ang dokumentong hawak mo ngayon ay papatayin ko sa harapan mo ang mga kapatid mo!” bulalas na sabi ni Emmanuel na siyang walang kurap ngayong nakatingin sa mga mata ni Tobias na gulong-gulo na nga sa sitwasyong kinkaharap niya ngayon.           “Tobias huwag kang makikinig sa kaniya! Huwag mong ibibigay ang dokumento!” pagtutol ni Mary na siya ngang nangangamba ngayon sa maaaring gawin ni Tobias.           “Sige,” pakli ngayon ni Emmanuel na siyang unti-unting nginisian si Tobias. “Pakinggan mo ang sinasabi ng babaeng ito at hindi ako magdadalawang isip na sabay-sabay na patayin sila!”           At sa pagkakasigaw na yaon ni Emmanuel ay sabay-sabay ngang sinuntok ng mga nakaputing lalaki ang mga tiyan nila Hans dahilan upang mapasigaw silang apat at mapaluhod sa sahig.           “Huwag!”           “P—parang awa mo na Emmanuel, huwag mong silang sasaktan.”           “Kung gayon ay ibigay mo na lamang sa akin ang hawak mo! Huwag mong sayangin ang oras ko Tobias,” bulalas muli ni Emmanuel dahilan upang mapabuntong hininga ngayon si Tobias at unti-unting ibinaba ang hawak niyang baril.           “Tobias anong gagawin mo?” nanginginig ngang tanong ngayon ni Enrico na siya ngang inilingan ang kaibigan dahil kapareho ni Mary ay tutol din siyang ibigay ni Tobias ang dokumento kay Emmanuel.           “Tobias, ang sabi ko ay—“           “P—patawad Mary, ngunit hindi ko maaatim na muling mawalan ng mahal sa buhay,” nauutal na tugon ni Tobias dala ang nag-aalangan at gulong-gulo niyang mga mata.                 Inilabas niya ang dokumento mula sa kaniyang likod at marahang tinignan ito bago pa man siya nagpasya nang unti-unting naglakad papunta kay Emmnauel.           “Ganyan nga Tobias, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa at ibigay mo na lamang sa akin iyan upang hindi ka na muling makasaksi pa ng pagkamatay ng isa sa mahal mo sa buhay,” nakangising saad ngayon ni Emmanuel sabay tango nga sa isa sa mga tauhan niya na siyang kukuha ng dokumento.           “Ibigay mo na sa kaniya iyan Tobias kapalit ng iyong pamilya,” patuloy pa nga nito ngunit natigilan ito maging si Tobias nang bigla na lamang pinaputukan ni Mary ang kamay ng lalaking kukuha sana ng iniaabot na dokumento ni Tobias.           “Hindi mo ito makukuhang basta-basta Emmanuel,” matapang na saad ni Mary na siya ngang sunod na sinipa ang kamay ni Emmanuel na may hawak ng baril na nakatutok sa kaniya.           Nabitawan ngayon ni Emmanuel ang baril at hindi na nito namalayan pa ang sunod naman na pagsipa ni Tobias sa kabila niyang kamay dahilan upang maging ang kaisa-isang hawak niyang baril ay mahulog din sa sahig.           Akmang papatukan na sana ng ibang tauhan ni Emmanuel sina Tobias at Mary ngunit natigilan ang mga ito nang halos sabay na itutok ng dalawa ang kanilang mga baril sa ulo ni Emmanuel.           “Sige iputok niyo!” bulalas ni Mary. “Dahil sa oras na gawin niyo ito ay sisiguraduhin kong madudurog ang ulo ng inyong amo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD