Kabanata 8 |Pagtatagumpay ng mga Tigre|

1260 Words
Pilipinas ~ Enero 10, 1944~ “Bitawan niyo ang mga baril niyo!” sigaw ni Mary na siya ngang mas inilapit pa ang baril sa noo ni Emmanuel. “Dahil kung hindi niyo ito bibitawan ay hindi kami magdadalawang isip ni Tobias na putukin ang mga hawak namin.” “Curioso, (Pakialamera)” usal ngayon ni Emmanuel na sobrang talim nga ngayon ng tingin kay Mary at tiyaka ito ibinaling kay Tobias.           “M—mary? T—tobias?” sunod-sunod tawag ni Bernard na kakarating lang ngayon sa pagamutan kasama si Helda.           Dumaan ang mga ito sa kabilang pasukan ng pasilyo.           “K—kuya Emmanuel? Ikaw ba iyan?” hindi makapaniwalang tanong ngayon ni Helda na kapareho ni Bernard ay hindi mawari ang nangyayari.           Parehong nagtaka ang dalawa nang madatnan nila ngayon ang tatlo habang may mga hawak na baril sina Mary at Tobias na nakatutok ngayon sa ulo ni Emmanuel. At sa likuran naman ni Emmanuel naroon ang mga lalaking hawak-hawak ang pamilya ni Tobias kasama si Hans.           “A—anong ibig sabihin nito?” nagtatakang tanong ngayon ni Bernard na siyang tinignan nga si Emmanuel ngunit agad itong napaiwas ng tingin sa kanila.           “Si Emmanuel ang panganay na anak ng Don Manuelito Valenzuela,” tugon ni Mary na siyang unti-unti ngang hinarap sina Emmanuel habang hindi pa rin iniaalis ang baril niyang nakatutok sa baril ni Emmanuel.           “A—ano? Kaya mo ba kami inutusan na sundan—“           “Oo Bernard, matagal ko ng alam ang bagay na ito at oras na nga para mawala ang piste sa grupo,” saad ni Mary na siyang ibinaling ang tingin sa mga nakaputing amerikana na mga lalaki. “Ginamit niya lamang ang mga hangarin natin sa paghihiganti niya kay Tobias dahil ang totoo ay isa rin siya sa mga tauhan ng institusyon.”           Hindi na mahirap para kina Bernard at Helda na mapagtanto ang sinabi ni Mary nang makita nga ang mga suot ng mga lalaking nakahawak ngayon sa pamilya ni Tobias. Dahil kapareho ng mga suot ng mga ito ang tila ba uniporme ng mga tauhan ng Doktor Willson Morgan. Ilang beses na nilang nakaingkwentro ang mga ito kaya’t memoryado nila pareho ang mga itsura ng iba sa kanila. Hinawakan ni Tobias ang braso ni Emmanuel upang iharap ito sa kaniyang mga tauhan niya na may hawak ngayon sa kaniyang pamilya. “Ibaba niyo ang mga baril niyo!” bulalas ngayon ni Tobias na tulad ni Mary ay idinikit nga ang kaniyang baril sa mismong likuran na ulo ni Emmanuel. Napapikit sa inis si Emmanuel na walang nagawa kundi tanguhan ang kaniyang mga tauhan na siyang unti-unting ibinaba ang kanilang mga baril kasabay ng pagbitaw nila kina Hans. “J—jonas,” nauutal na tawag ni Tobias sa kaniyang kapatid na paika-ika nga ngayong inaalalayan si Manang Selma na siyang binitawan na rin ng tauhan na nakahawak sa kaniya. “Bernard, kunin niyo ang mga baril nila,” utos ni Mary dahilan upang agad-agad na tumango si Bernard at Helda na patakbong pumunta sa kinaroroonan nila Manang Selma at nagmadali ngang kinuha ang mga baril na ibinaba ng mga tauhan ni Emmanuel.  At matapos nito ay agad na nga nilang tinulungan sina Manang Selma na kalaunan ay pumunta na rin nga sina Tobias at Enrico upang ilayo ang mga ito. Ngunit sabay-sabay na naglakihan ang mga mata nila Tobias nang makarinig sila ng sunod-sunod na putukan mula sa ibaba ng pagamutan. Mabilisang tumakbo si Bernard upang tignan ang nangyayari rito ngunit agad nga siyang napahiga sa sahig nang makita ang putok ng isang baril papunta mismo sa kaniyang mukha. “Mukhang hindi lamang ikaw ang nakapaghanda sa laban na ito Mary?” sarkastikong tanong ngayon ni Emmanuel dahilan upang agad-agad na magtinginan sina Tobias at Mary. “Sa bintana, kailangan nating dumaan sa bintana!” sunod-sunod namang bulalas ni Helda na kasama ngayon ni Enrico na inaalalayan sina Manang Selma paloob ng katapat na kwarto. Madalian namang gumapang si Bernard at pumunta sa kinaroroonan nila Helda. “Sa tingin niyo ba talaga ay makakatakas kayo basta-basta?” nakangising tanong ni Emmanuel na siya ngang nakakuha ng tyempong suntukin ang tiyan ni Mary dahilan upang maialis nito ang pagkakatutok niya ng baril kay Emmanuel. At kasunod non ang pagsipa nito sa kamay ni Mary dahilan upang mabitawan niya ang hawak na baril. Namimilipit ngayon ang tiyan ni Mary sa sakit ng pagkakasipa ni Emmanuel sa kaniya. At halos hirap siyang makatayo ng maayos habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. “Dapat kasi hindi ka nalang nangialam Mary,” nakangising saad ngayon ni Emmanuel na siya ngang pahigpit na hinawakan ang panga ng dalaga upang itaas ang tingin nito sa kaniya. “Je me fiche de votre opinion sur un traître! (Wala akong pakialam sa opinion mo traydor!)” bulalas ni Mary kasabay ng kaniyang pagdura sa mismong mukha ni Emmanuel. “Mary!” bulalas ni Bernard na siya ngang natigilan sa akma niyang pagpasok sa kwarto na kinaroroonan ngayon nila Helda na siyang kasalukuyang isa-isa nang ibinababa sina Manang Selma kasama si Enrico na nauna nang bumaba para alalayan ang mga susunod sa kaniya sa pagbaba. Akmang hahakbang palapit si Bernard sa kinaroroonan ni Mary ngunit natigilan ito nang suntukin siya ng isa sa mga tauhan ni Emmanuel. Dahilan upang agad siyang umiwas nang akmang susuntukin muli siya nito. Samantalang, sasampalin sana ni Emmanuel ang pagmumukha ni Mary dahil sa nagawa nitong pagdura ay agad-agad na nahawakan ni Tobias ang kamao nito at unti-unti ngang itinulak ito palayo kay Mary. “T—tobias, anong ginagawa mo? Umalis ka na rito at tumakas na kayo!” bulalas ngayon ni Mary na siyang nauutal ngang magsalita. At natataranta ngang makita na nahawakan pa ngayon ni Tobias ang dokumento at natatakot siyang makuha ito ni Emmanuel mula sa kaniya. “Mary, umalis ka na rito at sumunod ka na kila Helda—“ tugon ni Tobias sa kaniya. Natigilan si Tobias at tila ba unti-unting bumagal ang galaw ng kaniyang mundo nang isang putok ng baril ang tumama sa kaniyang tiyan dahilan upang  unti-unti niyang mabitawan ang pagkakahawak sa kamao ni Emmanuel kasabay ng unti-unti niyang pagbitaw sa hawak na dokumento sa kabila niyang kamay. Sinubukan ni Mary na makuha ang dokumento ngunit huli na nang maunahan siya ni Emmanuel dito. “N—non, non, non! (H—hindi, hindi, hindi!)” sunod-sunod na sigaw ni Mary na siya ngang nakasubsob na ngayon sa lupa dahil sa pagsusubok nitong masalo kanina ang dokumento ngunit hindi nito nagawa nang bago pa man ito bumagsak sa lupa at nasalo na ito ni Emmanuel. Akma ngang kukunin ng mga tauhan ni Emmanuel si Tobias ngunit agad silang natigilan nang sunod-sunod na magpaputok si Bernard at patakbo ngang tinulungan sa pagtayo si Tobias. At kasunod non ay ang akma niyang pagtulong kay Mary sa pagtayo ngunit agad niyang tinapik ang kamay ni Bernard at siya na nga mismo ang tumulong sa sarili na tumayo. “Mary halika na, kailangan na nating—“ “Zut! (Damn it!)” bulalas ni Mary na siya ngang kinuha ang isa pang baril ni Bernard mula sa kaniyang tagiliran at sunod-sunod itong pinaputukan sa direksyon nila Emmanuel dahilan upang matigilan ang mga ito sa paglapit at nakipagpalitan ng putok mula kina Bernard at Mary. Patuloy ang pagpapaputok ng dalawa upang hindi makalapit sa kanila sina Emmanuel. “Let’s go,” saad ni Mary habang paatras silang naglalakad ngayon papunta sa kwarto ni Bernard habang parehong inaalalayan ngayon si Tobias.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD