~1928~ “Maura?” “Maura?” Unti-unting iminulat ng batang babae ang kaniyang mga mata dahil sa paulit-ulit na tawag sa kaniya ngayon ni Doktor Adam Kley. Nang maaninag niya at mamukhaan kung sino ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata sa takot at agad ngang napaupo mula sa pagkakahiga. “W—what will you do to me?! Please, please leave me alone,” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa nito sa doktor na siyang napakunot naman ng noo dahil sa pagtataka sa naging reaksyon ng bata. “I—I will not hurt you Maura,” pakli ngayon ng doktor. “What made you think that I will hurt you?” Napayakap ngayon ang batang babae sa kaniyang tuhod dahil sa takot na kaniyang nararamdaman nang maalala ang ginawa sa kaniya nila Doktor Manuelito at ang mga kasama nitong doktor. “You’re one of them! Kukunin mo lang din