~1928~ “Maura, gumising ka. Kailangan na nating umalis dito,” bungad ni Doktor Adam sa batang babae na siyang kunot noo ngayong bumangon mula sa pagkakahiga. “P—po? Itatakas niyo na ho ba ako?” sunod-sunod na tanong nito na siyang tinanguan ng doktor. “Wala na ang Doktor Pitt at panigurado akong nalaman ng institusyon ang plano naming pagtakas sa iyo rito kaya’t kailangan nating magmadali at makaalis dito Maura,” sagot ng doktor na siyang tinulungan na nga sa pagtayo ang bata. “Sumakay ka sa aking likuran nang makatakas tayo rito nang mas mabilis,” utos ng doktor sa bata dahilan upang agad na mapatango ito at sumakay sa likuran ng Doktor. Maingat na binuksan ng doktor ang pintuan at sinilip muna ang pasilyo kung may tao bang makakakita ng kanilang pagtakas. At nang masiguro na nitong