“L—lola ayos lang ho ba kayo?” bungad na tanong ni Zane sa matanda dala ang nanginginig na boses dahil sa kabang nararamdaman niya ngayon. “Ano hong ginagawa niyo sa gitna ng daan?” kunot noong tanong naman ngayon ni Helda dahilan upang agad-agad ngayong lumapit ang matanda kay Helda at hinawakan ang magkabilaan nitong kamay. “T—tulungan niyo kami. Tulungan niyo ang aking apo, kailangan niyang maidala sa ospital,” mangiyak-ngiyak na tugon ng matanda bakas nga ang maluha-luha niyang mga mata. Ibinaling ngayon ni Helda ang tingin kay Zane na siya ring napatingin sa kaniya ngayon. Pareho silang naguguluhan ngayon ngunit sa tinginang iyon ay kapwa na nila alam kung ano ang itinutugon ng isa’t isa. “Saan ho ba naroon ang apo niyo?” _________________________ “Maraming salamat