Unti-unting natigilan si Emmanuel sa kaniyang pagbabasa ng libro nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa kaniyang pintuan. “Pasok,” sambitla nito na siyang ibinaba na nga ang hawak niyang libro at inantay ang pagpasok ng taong kumatok sa kaniyang pintuan. “Anong ginagawa mo rito?” bungad na tanong nito sa lalaking pumasok na siyang naglalakad na nga ngayon palapit sa kaniya. “Masamang balita Doktor Emmanuel,” tugon ng lalaki na siyang dahilan upang mapaayos ng upo ang binatang doktor at diretsong tinignan ang lalaki. “M—masamang balita? Hindi ba kakasabi niyo lang sa akin kahapon na matagumpay niyong naisagawa ang pagtuturok sa mga boluntaryo?” kunot noong tanong ngayon ni Emmanuel na siya ngang dahilan upang mapaiwas ng tingin ang lalak