Kabanata 12 |Panibagong Simula|

2266 Words

           “Sige na Ate Teresita, ikaw na ang kumausap sa kaniya,” pakli ni Anna na siyang pasimpleng itinutulak ngayon si Teresita sa bagong dating na batang babae sa bahay na kanilang tinitirahan.           Kaedaran ito nila Anna at Hanelle ngunit mas matanda naman sa kaniya sina Teresita at Jonas ng dalawang taon.           “Ang rinig kong sinabi nila Kuya Tobias ay galing raw siya sa pagamutan ng mga may sira sa ulo. Kaya kahit na anong sabihin mo Anna ay hindi ako lalapit sa kaniya ano,” tugon ni Teresita na siya ngang tinignan ng masama si Anna. “Kung gusto mo ay ikaw nalang ang lumapit sa kaniya.”           Kasalukuyang ngang nakaupo si Estella malapit sa ibaba ng puno ng mangga na nasa tapat ng upuang kinauupuan ngayon ng dalawa. At halos kalahating oras na rin silang nagtutur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD