Kabanata 29 |Primero en la familia Valenzuela|

1697 Words
Pilipinas ~ Oktubre 8, 1943~ “O, Tobias?” kunot noong tawag ni Bernard kay Tobias nang lumabas ito sa bahay panuluyan nang hindi man siya nililingon bagkus ay nagmamadali itong lumabas sa likurang tarangkahan (gate) ng bahay panuluyan kasabay ng paglibot niya ng kaniyang paningin sa gubat dala ang pagbabakasakaling makita ang taong nagbato ng sulat sa kwarto ni Hans. “Tobias, may problema ba? Bakit tila nagmamadali ka atang lumabas?” sunod-sunod ngang tanong ni Bernard na sinundan nga si Tobias palabas ng tarangkahan. Dahilan nga ang pagtawag nito upang harapin siya ngayon ni Tobias. Napansin agad ni Bernard ang pawisang noo ni Tobias habang walang sawang iniaayos ang suot nitong salamin kasabay ng panginginig ng kaniyang mga kamay. “Tobias?” tawag ni Bernard habang kunot noong nakatingin dito dahilan upang mapasinghap si Tobias bago pa man sagutin si Bernard. “May nakita ka bang taong kakaalis lang dito?” nauutal ngang tanong ni Tobias na hindi na nga halos maidiretso ang pananalita. Umiling si Bernard bilang sagot, “Kakarating ko lang dito upang saglit na kumuha ng kape.” Dahilan nga ito upang agresibong kamutin ni Tobias ang kaniyang ulo nang dahil sa pagkadismaya. Ngunit halos sabay silang natigilan nang makarinig sila ng pag-andar ng sasakyan mula sa hindi kalayuan dahilan upang manlaki ang mga mata ni Tobias na siyang walang pasubaling tumakbo upang habulin ang sasakyan. “T—tobias, saan ka pupunta? Teka lamang!” sunod-sunod ngang bulalas ni Bernard na wala ng nagawa kundi bitawan ang hawak na isang tasa ng kape malapit sa malaking batong katabi niya at agaran ngang sinundan si Tobias sa pagtakbo. “B—bernard, nasaan ang sasakyan? Kailangan nating habulin ang sasakyan na ‘yon!” sunod-sunod na saad ni Tobias na hindi nga maiwasang mapasigaw nang dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Mabilis na umandar paalis ang sasakyan kaya’t naiwan ngayong dismayado si Tobias na siyang hindi nga ramdam ang pagod sa pagtakbo kahit pa na halos pagpawisan siya at maghabol ng hininga nang dahil dito. “Teka lang Tobias? Ano bang problema? Bakit mo ba gustong habulin ang sasakyang yaon?” sunod-sunod na tanong ni Bernard na siyang kakatigil nga lang sa pagtakbo at halos mawalan ng hininga nang dahil sa paghabol niya kay Tobias. “Tiyaka ko na lamang ipapaliwanag, basta’t ibigay mo na lamang sa akin ang susi ng sasakyan Bernard!” bulalas ni Tobias na ikinagulat na husto ni Bernard dahilan upang agad-agad nitong kapain ang kaniyang bulsa upang kunin ang susi ngunit wala siyang nakapa mula rito. Dahilan upang mapalunok siya ngayon at mapailing kay Tobias. “Wala sa akin ‘yong susi ng sasakyan Tobias, sa aking pag-aakala ay—“ Ngunit tuluyang hindi na nga naituloy ni Bernard ang kaniyang sasabihin nang biglang may humarurot na kotse palapit sa kanila dahilan upang agad silang mapaiwas ni Tobias upang bigyang daan ito sa gitna nila. “Sumakay ka na kung gusto mong maabutan pa natin ang kotseng yaon,” walang pasubaling sambit ni Mary na siyang kasalukuyang lulan ng kotse. Dahilan upang agarang sumakay si Tobias sa tabi ng dalaga. “Ikaw Pitt, maiwan ka rito kasama sina Helda upang masigurong ligtas ang mga pasyente,” sambit ni Mary kay Bernard nang akmang bubuksan na sana nito ang pintuan ng likuran ng kotse ngunit agad nga siyang natigilan ni Mary. Tinanguan nito ang dalaga dahil agad din naman niyang naintindihan na kailangang may matira sa bahay panuluyan upang bantayan ang sina Hans at ang mga kambal. Agad-agad nga ngayong pinaharurot ni Mary ang sasakyan upang abutan pa ang sasakyang hinahabol nila Tobias kanina. “Bakit mo ba gustong habulin ang sasakyang iyon?” tanong nga ni Mary na siya ngang walang kurap na nakatingin ngayon sa harapan habang matulin na pinapatakbo ang sasakyan. “S—si Pineal,” nanginginig na sagot ni Tobias nang dahil sa kaba. “Hawak nila ang kapatid ko.” Kunot noong binuksan ni Tobias ang kapirasong papel dala ang pagtataka mula sa kaniyang mga mata. Balita ko ay nahanap mo na raw ang panganay niyong kapatid? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nabalitaan ko o sadyang maiinis ako dahil nadagdagang muli ang mga anak ni Doktor Kley? Noong mga oras na nalaman kong buhay pa ang panganay ninyo ay napagisip-isip kong hindi na muna siguro siya ang uunahin ko. Dahil sayang naman kung papatayin ko ang kaisa-isang tao na may alam kung saan naroon ang dokumentong itinago ng inyong ama. Kaya naman napagpasyahan ko na unahin ko nalang muna siguro ang pangatlo o ang kaisa-isang anak ni Doktor Kley na hawak ko ngayon. Ano sa tingin mo Doktor Aegeus Tobias Kley? Maganda ba ang nagawa kong plano? O hindi naman kaya ay ikaw siyang gusto mong unahin ko? Ngunit mas maganda sigurong panuorin kang nagluluksang muli sa pagkamatay ng is among kapatid kaya si pangatlo nalang muna ang siyang uunahin ko. .--. .-. .. -- . .-. --- / . -. / .-.. .- / ..-. .- -- .. .-.. .. .- / ...- .- .-.. . -. --.. ..- . .-.. .- Unti-unting nanginig ang kaniyang mga kamay habang hawak-hawak ang binabasang papel. At hindi nga sinasadyang mabitawan niya ang papel matapos mabasa ang nilalaman nito. “Hawak nila ang kapatid? Ano sila, mga tauhan ng institusyon?” sunod-sunod ngang tanong ni Mary na siyang tuluyan na ngang nakita ang sasakyang hinahabol nila Tobias kanina. Umiling si Tobias bilang sagot kasabay ng pagtingin niya sa papel na kasalukuyang hawak niya pa rin. “Sa tingin ko ay hindi ang institusyon ang may hawak sa kapatid ko,” sagot nito habang dala-dala pa rin ang nanginginig niyang boses na kapansin-pansin din naman sa dalaga. “Paano mo nasabing hindi ang institusyon ang may hawak sa kaniya?” tanong ni Mary na siyang iniliko nga ang sasakyan sa  kalyeng pinasukan ng kotseng sinusundan nila. “Dahil hindi ugali ng institusyon na mag-iwan lamang ng sulat na naglalaman ng pagbabanta,” sagot ni Tobias na siyang hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan at diretso ngang nakatingin sa sasakyang sinusundan nila. Ngunit halos sabay silang yumukod ni Mary nang biglaan na lamang sunod-sunod na nagpaputok ang nagmamaneho ng sasakyan. “Merde! (Damn it!) wala akong dalang baril,” inis na sambit ni Mary na siya ngang tinignan ngayon si Tobias na inilingan lamang siya dahil maski siya ay wala ring dalang baril. Sinubukan pa ngang sundan ni Mary ang sasakyan ngunit tuluyang nawala na ito sa kanilang paningin nang dahil sa halos segu-segundo nitong pagpapaulan ng baril sa direksyon nila. At nakadagdag pa nga ang pagtama ng bala sa gulong ng sasakyang sinasakyan nila upang tuluyan na nga nilang hindi masundan ito. “Merde!” bulalas pa nga ni Mary na tuluyan na ngang unti-unting itinigil ang sasakyan. Halos sabay na ibinagsak ng dalawa ang pintuan ng sasakyan nang halos sabay din silang lumabas mula rito. “H—hindi,” unti-unting sambit ni Tobias na siya ngang hindi na napigilan ang sariling sipain ng paulit-ulit ang gulong na natamaan ng baril. “Hindi maaaring mangyari ito!” Halos mapasabunot pa nga siya sa kaniyang buhok nang dahil sa inis. “Ano kuya Tobias?” Natigilan lamang ito nang biglang may narinig muli siya sa kaniyang isipan. “Tatanga-tanga ka na naman ba?” Ang mga bulong na ngayon lang ulit siya dinalaw. “Hahayaan mo nalang ba patayin nila ako?” Ang boses ni Pineal na paulit-ulit na muling bumubulong sa kaniyang isipan. “Kapalpakan na naman ba ang gagawin mo kuya Tobias?!” Dahilan upang mapatakip siya ng kaniyang tenga at halos mapasigaw dahil sa kalakip na sakit sa ulong dulot ng mga bulong. “Wala ka nang ginawang tama kundi ang ipahamak kaming mga kapatid mo!” “H—hindi, hindi! Ililigtas kita Pineal, ipinapangako ko iyan,” bulalas nito habang hawak-hawak ang kaniyang ulo kasabay nang paghulog ng papel na hawak niya sa lupa na ngayon ngay marahang pinulot ni Mary na kasalukuyang nasa harap na niya ngayon. “P—pineal ililigtas kita, maghintay ka lamang,” sambit muli ni Tobias sa sarili habang nakaupo na sa lupa at hawak-hawak ang kaniyang tenga. Kunot noo namang tinignan ngayon ni Mary si Tobias nang tuluyan na niyang matapos basahin ang laman ng sulat. “Primero en la familia Valenzuela?” kunot noong tanong ni Mary na siya ngang unti-unting ibinaling ang tingin kay Tobias. .--. .-. .. -- . .-. --- / . -. / .-.. .- / ..-. .- -- .. .-.. .. .- / ...- .- .-.. . -. --.. ..- . .-.. .- à Primero en la familia Valenzuela ~20 minutes ago~ “Ate Mary,” tawag ni Zane kay Mary na kasalukuyang nagbabantay sa harapang pintuan ng bahay-panuluyan. “Dumaan ba rito si Kuya Tobias?” tanong nito na siyang nagpakunot sa noo ni Mary. “Hindi,” sagot ni Mary. “Bakit? Lumabas siya?” “Nais ko sana siyang kausapin kanina ngunit nagmamadali itong lumabas na sa hindi malamang dahilan ay tila ba bigla akong kinutuban,” sagot ni Zane na bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Basta’t ibigay mo na lamang sa akin ang susi ng sasakyan Bernard!” Ngunit halos sabay silang napalingon nang makarinig sila ng sigaw mula sa bakuran ng bahay-panuluyan. “Zane, ikaw muna ang magbantay rito,” saad ni Mary na bago pa man makaalis ay kinuha nga muna ang susi ng sasakyan niya ngunit saglit ngang matigilan ito nang maalalang kinuha pala ni Emmanuel kanina ang baril niya upang linisan kaya’t napasinghap na lamang ito at nagpasya ituloy na ang pagpunta sa bakuran kung saan naroon sina Tobias at Bernard. Nahuli na nga ito nang makarating siya at makitang nasa hindi kalayuan na ang dalawa habang hinahabol ang puting sasakyan. Dahilan upang walang pasubali siyang tumakbo ngayon papunta sa kaniyang sasakyan at pinahariurot ito ng takbo papunta sa lugar na kinatatayuan nila Tobias at Bernard. Agad niyang ibinaba ang bintana ng sasakyan nang matigil ito sa gitna ng dalawang binata. “Sumakay ka na kung gusto mong maabutan pa natin ang kotseng yaon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD